MGA HOLLYWOOD CELEBRITIES NA MAY KAMUKHA O DOPPELGANGERS

Kung anu-ano ang nakikita natin sa Facebook at YouTube. Dati wala tayong pakialam, pero habang nagtatagal, marami tayong napapansin. Halimbawa na lang, nang lumabas ang isang authentic Civil War photo kamakailan na kamukhang kamukha ni Nicolas Cage. Napaisip tuloy ang inyong lingkod, baka totoo ang reincarnation. Baka yung kamukha natin, yun ang ating old self in the past.

Pero hindi lang naman si Cage ang may kamukha. In fact, may nakita tayong at least 18, at kung maghahanap pa tayo, hindi na kakasya sa buong diario. According to studies, lahat daw tayo ay may at least pitong kamukha somewhere – pwedeng sa ibang bansa, pwedeng kapitbahay mo lang – at hindi importante kung magkamag-anak kayo o hindi. Wala pa akong nakikitang kamukha ko, pero minsan, ako mismo, may nakakasalubong akong parang nakita ko na kung saang hindi ko matandaan. Pero unahin natin ang mga Hollywood celebrities para patunayan ito, dahil yun ang mas madali. Simulan natin kay Cage dahil siya na ang una nating nabanggit.

Nicholas Cage – Hindi masyadong kilala ang doppelganger ni Cage liban lang sa naging militar siya noong panahon ng Civil War. Nagkataon ba lamang na ultimong tenga nila, magkamukha?

Heto naman si Justin Timberlake, na sa kasamaang palad, notorious na kriminal pa ang nakamukha sa isang mug shot.

Kung mahilig naman kayo sa “Harry Potter,” hindi pwedeng hindi Ninyo maalala si Rupert Grint. Kamukha naman siya ng Scottish painter na si Sir David Wilkie. Aba,sosyal! Painter ang peg.

I remember, sabi ng Mommy ko, marami raw nagka-crush kay Charlie Sheen. Pero in all honesty, hindi ko siya kilala. Kahit daw si Vilma Santos-Recto, vocal noong araw na crush niya ang Hollywood actor na ito. Kamukha siya ni abolitionist John Brown.

Heto naman ang crush ng Mommy ko nung panahon niya. Si Chuck Norris, sa totoo lang, carbon copy talaga ng sikat na artis na si Vincent Van Gogh. Sikat si Norris sa lines na “Go ahead, make my day.” Pero kay Van Gogh, ang higit kong naaalala ay ang lumang kantang “Vincent” – starry, starry night, paint your palate blue and gray.

Si Bruce Willis ang nagpauso ng action-comedy movies kung saan kinakausap niya ang kanyang sarili habang nakikipaglaban. Kamukha siya ng husband ko, and believe it or noy, kamukha rin siya ng kilala nating lahat na si WWII General Douglas MacArthur. Sikat siya sa lines na “I shall return!” nang umalis siya sa Pilipinas upang magbalik para labanan ang mga Hapones na sumakop noon sa Pilipinas.

Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Ellen DeGeneres na nagpasikat sa US kay Charice Pempengco na Jake Cyrus na ngayon. Amazingly, lalaki ang kamukha niya – si Henry David Thoreau.

Ang pilosopong si John Locke ay older version naman ni Oscar winner Adrian Brody. Alam na ngayon ni Brody kung ano ang magiging hitsura niya pagtanda.

Heto  pa ang isang actor na kamukha ng isang philosopher – si Hank Azaria. Kamukha siya ni Rudolf Steiner, isang philosopher.

Si Nicholas Jerry Jonas ay isang American singer, songwriter at actor na nagsimula ng pag-arte sa teatro sa edad n apitong taon, at nag-release ng kanyang debut single noong 2002, na nakatawag sa atensyon ng Columbia Records, kung saan bumuo siya ng banda kasama ang mga nakatatanda niyang kapatid na sina Joe at Kevin. Kinilala ang kanilang grupo na Jonas Brothers. Si Nick Jonas ay kamukhang kamukha ng 14th US President na si Franklin Pierce.

Heto ang talagang amazing. Ang actor na si Actor Shia Labeouf ay kamukhang kamukha ni Albert Einstein noong bata pa siya.

Bakit kaya ang Comedian na si Jack Black ay kamukhng kamukha ng lead actor ng classic opera “The Barber of Seville,” na hindi ko na matandaan ang pangalan. Basta siya yung barber.

Heto pa. Ang actor na si Anthony Hopkins ay sobrang kahawig ng bust ng Greek philosopher na si Socrates.  Hindi kaya siya ang reincarnation ng nasabing Griyego?

Nakita na ninyo ang mga celebrity doppelgangers – syempre naman sila ang doppelgangers dahil sila ang nasa kasalukuyang panahon. Kung paano nangyaring kamukhang kamukha nila ang mga sinaunang tao, walang scientific explanation. Basta ang favorite ko ay si Bruce Willis dahil kamukha siya ng asawa ko. Kayo, sino ang paborito ninyo? – KAYE NEBRE MARTIN

6 thoughts on “MGA HOLLYWOOD CELEBRITIES NA MAY KAMUKHA O DOPPELGANGERS”

  1. 126071 640506This article is dedicated to all people who know what is billiard table; to all people who do not know what is pool table; to all people who want to know what is billiards; 106214

Comments are closed.