Isa na namang Ice Age
Sabi sa isang quatrain: “the earth and air will freeze a very great sea.” Malamang, may kinalaman na naman dito ang climate change, pero inisip ng maraming parating na ang isa pang ice age. Ibig bang sabihin, mabubuhay na naman ang mga dinosaurs?
Sabi naman ng iba, mababawasan ang solar activity sa 60% sa darating na 2030.
Muntik na pagkagunaw ng mundo dahil sa pagbagsak ng asteroid
May kometa raw na darating na magpapasabog sa mundo. Ewan kung ano ang nangyari dahil close hit nga lang – hindi natuloy. Kung tumama ito sa mundo, sangkatutak na natural disasters ang magaganap at mag-aapoy ang kalangitan. Noong 2013, sumalpok sa mundo ang Chelyabinsk meteor sa bahagi ng Russia, na sumira sa nagkakahalaga ng $33 million at nakapanakit ng halos 1500 katao.
French Revolution
Sa prediksyon ni Nostradamus: “from the enslaved populace, songs, chants, and demands, while princes and lords are held captive in prisons, these will in the future by headless idiots be received as divine prayers.” Naganap ang French Revolution noong 1789, nang sakupin ng mga magsasaka ang bansa at pinatalsik ang aristocracy, ikinulong at pinutulan ng ulo gamit ang guillotine. Sa Pilipinas, masa ang nasusunod – lalo pa at madalas silang magrali.
Bagong uri ng pera
Isa sa mga hula ni Nostradamus na tatanggi ang mga taong magbayad ng buwis sa “hari.” Siguro, may kinalaman ito sa pagdating ng mga cryptocurrencies tulad ng Bitcoin. Salamat sa investment sa Bitcoin, at maraming yumaman, at may nalipat ding kayamanan sa mundo. (May karugtong po bukas sa pahina ring ito)
Napoleon
Si Napoleon Bonaparte ba ang pinag-uusapan dito? Sinulat niya: “PAU, NAY, LORON will be more of fire than of the blood, to swim in the praise, the great one to flee to the confluence. He will refuse entry to the Piuses, the depraved ones and the Durance will keep them imprisoned.” Kung aayusin ang mga capitalized letters, mabubuo ang Napualon Roy, French ng Napoleon the King. Marahil, ang apoy at dugo ay may kinalaman sa kanyang non-noble lineage.
Adolf Hitler
Iniisip ng maraming nahulaan ni Nostradamus ang pagsilang ni Hitler sa kanyang quatrain: “From the depths of the West of Europe, a young child will be born of poor people, he who by his tongue will seduce a great troop, his fame will increase towards the realm of the East.”
Mahirap lamang sina Hitler na mula sa Germany at kilala siya sa kanyang oratory skills kaya marami siyang nakumbinsing maging tagasunod.
Catholic Church Disaster
Ang pinakamalaking relihiyong namamalakaya ng tao ay talaga namang nagkaroon ng napakaraming problema noong nagdaang taon. Inakala noong una na malalagay sa panganib ang buhay ng Papa, ngunit hindi. Napakaraming iskandalo ang naganap na kinailangan pang mag-public apology ang Papa.