Mga hula ni Nostradamus na nagkatotoo

Isa sa mga main sa mga propesiya ni Nostradamus ay ang hindi pagkakasundo ng mga nag-i-interpret. Malabo rin ito dahil nasusulat ito sa lengguwaheng Middle French, na mahirap unawain ang wording, metaphors, at mga natatagong references. Dahil maraming interpretasyon, mahirap pagtagni-tagniin ang mga kahulugan. Kayo na ang bahalang magdesisyon kung maniniwala kayo o hindi.

Louis Pasteur

Hinulaan ni Nostradamus ang tagumpay ng microbiologist na si Louis Pasteur: “The lost thing is discovered, hidden for many centuries. Pasteur will be celebrated almost as a God-like figure.”

Kilala si Pasteur sa napakarami niyang accomplishments kasama na ang principles of vaccination, pasteurization (na kinuha sa pangalan niya), at fermentation.

Pagpapasabog ng Atomic Bomb

Sabi ni Nostradamus: “Near the gates and within two cities, there will be scourges the like of which was never seen, famine within plague, people put out by steel, crying to the great immortal God for relief.”

Noong August 1945, nagbagsak ang United States ng atomic bomb sa Hiroshima at Nagasaki sa Japan.

Charles De Gaulle

Sinulat ni Nostradamus: “Hercules King of Rome and of Annemark, three times one surnamed de Gaulle will lead, Italy and the one of St. Mark’s to tremble, first monarch, renowned above all.”

Si Charles de Gaulle ay tatlong beses naging lider ng France: lider ng Free French Forces, prime minister ng post-WWII government, at unang pangulo ng French Fifth Republic.

 

 

Kamatayan ni Princess Diana

Ikinu-connect ng marami ang kamatayan ni Princess Diana sa quatrain ni Nostradamus na: “God the Last but First the nickname of Nostradamus of the 90’s, takes the Goddess of the Moon for his Day and movement, a frantic wanderer and witness of Gods Law, in awakening the world’s great regions to Gods will.”

Maraming teyoriya dito ngunit walang walang malinaw na link na nahulaan nga ang kanyang kamatayan.

September 11 – Kahit naging viral ang quote na ito ni Nostradamus: “Two steel birds will fall from the sky on the Metropolis, The sky will burn at forty-five degrees latitude Fire approaches the great new city Immediately a huge, scattered flame leaps up Within months, rivers will flow with blood The undead will roam the earth for little time.,” hindi partikular na sinabi ang pag-atake noong September 11, 2001.

Pagsabog ng Challenger

Ani Nostradamus: “From the human flock nine will be sent away, separated from judgment and counsel, their fate will be sealed on departure, Kappa Thita, Lambda the banished dead err.”

Sumabog ang Space Shuttle Challenger, 73 segundo matapos itong lumipad noong January 28, 1986. Nahulaan ito ni Nostradamus. Pito lamang ang tao sa shuttle at hindi siyam.

 

Pagpatay sa magkapatid na JFK at RFK

Prediksyon ni Nostradamus: “The great man will be struck down in the day by a thunderbolt, an evil deed foretold by the bearer of a petition. According to the prediction, another falls at night time.”

Si John F. Kennedy, na nakatanggap ng napakaraming death threats, ay pinatay noong hapon ng November 22, 1963 habang ang kapatid niyang si Robert o Bobby ay pinatay naman noong hatinggabi ng June 5, 1968. : JAYZL VILLAFANIA NEBRE