MGA IBON AT POULTRY SA TARLAC NEGATIBO SA BIRD FLU

Nagdeklara ang Department of Agriculture – Bureau of Animal Industry (DA-BAI)  na negatibo sa bird flu ang mga ibon at poultry products sa lalawigan ng Tarlac.

“The Bureau of Animal Industry (BAI) on Wednesday  said tests on poultry from Tarlac province showed samples were’nt infected by the highly pathogenic avian influenza, dispelling fears of consumers and industry players of bird flu outbreak,” ayon sa isang opisyal na pahayag ng DA-BAI.

“All samples from Tarlac tested negative for the bird flu virus,”ang pahayag ni DA Assistant Secretary for Swine and Poultry Dante Palabrica.

“Based on these results, news about the bird flu outbreak are untrue,”sabi ni Palabrica.

Sa panayam sa media, ipinahayag ni Agriculture  Secretary  Francisco Tiu-Laurel Jr. na walang kumpirmadong  outbreak ng bird flu sa lalawigan ng Tarlac tulad ng kumakalat na balita ngayon.

“So I would like to cla­rify that I have not received any official report of such outbreak from the local autho­rities.So walang official report.Wala pang confirmatory report, parang maritess lang yung naiulat,” sabi ni Laurel.

“The Bureau of Animal Industry(BAI) is aware of recent reports circulating in the media regarding a supposed  bird flu outbreak in Tarlac.We would like to clarify that BAI has not received any official report of such an outbreak from the local authorities in Tarlac,” ayon sa isang official press statement na inilabas ng BAI nitong Hulyo 30.

Sabi ng BAI noong Hul­yo 30, wala pa umanong laboratory results na magpapatunay sa naiuulat na may outbreak ng naturang sakit ng mga manok, ibon at poultry products sa lalawigan.” Furthermore, there are currently  no confirmed laboratory  results reported in the area.The last  officially confirmed case in the province was recorded on December 2023.The BAI Animal Diagnosies and Reference Laboratory (ADRL) is the sole authority to official detect and confirm positive cases of bird flu through  standardized testing protocols,”sabi ng BAI.

Ayon sa BAI, sineseryoso  nila ang anumang bagay na naglalagay sa peligro sa kalusugan at kalagayan ng mga nasa industriya ng poultry. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia