NAKATAKDANG magsagawa ng operations ang Manila International Airport Authority (MIAA) upang masawata ang mga nagkalat na mga ibong tagak sa madamong lugar ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Nakarating sa kaalaman ni MIAA General Manager Ed Monreal ang mga reklamo mula sa mga airline operator at mga piloto dahil isa itong banta sa kapakanan ng mga pasahero, lalo na sa pag-landing at pag-take off ng eroplano.
Ayon sa nasabing impormasyon o reklamo ng mga ito, isang grupo ng mga ibon na naghahanap ng makakain katulad ng maliliit na insekto, butiki at palaka na galing sa runway drainage system ng paliparan.
Kamakailan lang nagkaroon ng problema sa pag-landing ang Jetstar Airways plane na may lulan na 158 papuntang Singapore matapos ma-encounter sa airport ang birdstrike ilang minuto bago mag-take of sa NAIA runway.
Kaugnay nito ay naglagay ang MIAA ng bagong device o acoustic devices sa may runway o madamong portion ng 06-24 na maaaring gamitin para ma-distract ang mga ibon at umalis sa bakuran ng NAIA.
Ayon kay Alvin Candelaria, Airport Ground Operations Safety Division, ang nasabing mga ibon ay nanggagaling sa mga lagoon at ponds malapit sa airport dahil ayon sa kanilang pag-aaral ginagamit nila ito na kanilang tirahan.
Isa pang naging problema ng airport ang malawak na bakanteng lote sa may kanluran ng NAIA sa labas ng runway na ginawang salt beds at ponds ng mga residente ng Parañaque at ang iba rito ay naka-convert bilang mga bodega, department stores, convention center at condominium buildings na siyang naging dahilan upang mamalagi ang ibon na ito malapit sa paliparan.
Noong nakaraang administrasyon nilagyan ang airport ng avian avoidance equipment, o avian noise driving device bilang pantaboy sa mga ibon dahil sa ingay na idinudulot nito, subalit nasira ito at napabayaan na.
Pinag-aaralan ngayon ng MIAA ang mga critical at non-critical na lugar sa paligid ng airport upang may pupuntahan ang mga ibon na ito kapag itinaboy, at maiwasan ang ano mang disgrasya na maaaring sapitin ng mga palapag at paalis na eroplano. F MORALLOS
Comments are closed.