UPANG higit na maintindihan ng publiko, nais ni Senador Raffy Tulfo na isalin sa wikang Pilipino ang mga impormasyon na nasa wikang English.
Iginiit ng senador na magkaroon ng pagsalin sa wikang Filipino ang anumang impormasyon upang higit na maitindihan ng taumbayan.
Sinabi ni Tulfo na marami sa mga Pilipino ang hindi nakakaintindi ng wikang Ingles.
“Hindi naman po lahat ng pupunta sa government establishments para makipag- transact ay mga nakapag- aral po, mayayaman. Karamihan po sa kanila ay from the poorest of the poor. Marami po sa kanila hindi po nakakaintidi ng English,” sinabi ni Tulfo sa isang hearing.
“Baka pwede hong makapag-request na mula ngayon, under your watch, make it a point na puwede ho ba kayong maglagay ng notice du’n na English and then may katapat po na Tagalog,” ani Tulfo kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.
Ipinunto niya na sa ibang bansa, mayroong salin ang English language sa kanilang native language.
“Bakit dito sa Pilipinas, pinagpipilitan nating English ng English ‘yung mga notices, nakakalimutan po natin ang wikang Tagalog,” ani Tulfo.
“So pwede ho bang… from now on, sa lahat ng government establishments, side by side in English and then may Tagalog para po du’n sa hindi masyado nakakaintindi ng English,” dagdag pa niya. LIZA SORIANO