MGA ISDA SA LAKE BUHI MAPANGANIB KAININ

Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Bicol na mapanganib kainin  ang tilapia o anumang uri ng isda galing sa “fish kill” partikular na  sa Lake Buhi na natuklasang kontaminado ng high levels of  ammonia toxicity at maaari umano itong magdulot ng food poisioning at iba pang uri ng seryosong karamdaman.

“BFABikocol reminds the public that it is not safe to eat tilapia or any other fish from a fish kill caused by high levels of ammonia. Ammonia toxicity can accumulate in the fish, making it unsafe for human consumption. Consuming such fish could lead to food poisoning or other health issues. Always ensure that fish are sourced from safe and uncontaminated waters,” ang nakasaad sa Facebook Post ng naturang ahensya.

Ang babala ay inilabas ng BFAR Bicol matapos dumugin ng mga mamimili ang mga tilapiang ibinenta ng mga fish cage operators at mga mangingisda sa bagsak presyo na P20 lamang kada kilo upang hindi umano sila tulu­yang malugi, mula sa dating P100 kada kilo  sa Buhi Fish port matapos mapansin ng mga ito ang dumadaming insidente ng fish kill sa naturang lawa simula  Hulyo 23.

Ayon sa BFAR Bicol kaagad umano silang nagsagawa ng laboratory testing nang nakarating sa kanila ang ulat upang malaman ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng mga isda sa naturang lawa.

“Following the reported fish kill incident in Lake Buhi, the DA-BFAR Bikol’s Fisheries Integrated Laboratory Section conducted water quality testing for aquaculture use on July 24, 2024.Twenty-four water samples were collected from the surface, middle, and bottom of eight stations in Lake Buhi (Salvacion, Cabatuan, Tambo, Iraya, Center of the Lake, Ipil, Sta. Cruz, and San Buena-Sta. Elena). Each sample was tested for dissolved oxygen (DO), temperature, transparency, total dissolved solids, sali­nity, and ammonia.Based on the laboratory results, dissolved oxygen and ammonia were found to be at stressful levels for fish,”ayon sa BFAR Bicol.

“Dissolved oxygen readings ranged from 0.46 ppm to 5.16 ppm. Of the 24 samples collected, 23 had low DO levels. Normal DO level should not be less than 5 ppm.Ammonia ranged from 3.57 ppm to 310.6 ppm, with all 24 samples exceeding the recommended range of 0-0.05 ppm for aquaculture use. This means the ammonia levels exceeded the recommended range by 70 to 6,000 times. Ammonia, a by-product of fish metabolism, is toxic to fish at stressful levels,”ayon sa ulat ng BFAR Bicol.

Una na rito, ipinaliwanag ng mga awtoridad sa BFAR noong  Hulyo 25 na mataas na ammonia level umano at low dissolved oxygen ang lumabas sa laboratory results ng Fisheries Integrated Laboratory ng BFAR sa water samples galing sa Lake Buhi.

Ayon sa BFAR, isa sa mga dahilan sa pagbaba ng dissolved oxygen sa Lake Buhi ay posibleng dahil sa epekto umano ng habagat.Samantalang ang mataas na ammonia level naman sa lawa ay dulot ng mga nabubulok na  tira tira na ipinakakain sa mga isda na naipon sa ilalim ng naturang lawa. Dahil sa posibleng naipon na mga nabubulok na  tirang pagkain ng mga  isda sa ilalim ng lawa, ito ang posibleng naging dahilan na ito ay naging toxic substance na naging dahilan ng pagkamatay ng mga tilapia.

“Overturn may have triggered the incident wherein during heavy rains, it brings upward low dissolved oxygen waters together with to­xic by-products decomposition from the lake bottom,”ayon sa BFAR Bicol.

Umabot na  sa pitong tonelada ng tilapia ang natuklasang namatay sq fish kill mula Hulyo 23.

“It is also recommended that the fish carcasses be hauled and buried to prevent further deterioration of the lake’s water quality,”dagdag pa ng BFAR.

MA. LUISA M GARCIA