MGA ISDANG TAMBAN NAPADPAD SA DALAMPASIGAN NG CEBU

HINDI magkamayaw ang mga residente sa sandamakmak na isdang tamban o tinatawag na “tuloy” o sardine na naglitawan nang mapadpad sa dalampasigan sa Panagsama, Moalboal, Cebu nitong Linggo.

Nagkumahog ang mga residente sa pag­hango ng mga isda at kanya kanyang paghuli ng mga ito.

Ayon kanila, posib­leng napadpad sa dalampasigan ang mga isda dahil posibleng hinabol ito ng malalaking isda. Nangyari na rin daw ito ng Huwebes, kaya laking tuwa ng mga residente sa itinuring nilang biyaya ng karagatan.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may ganitong pangyayari sa nasabing baybayin. Naganap na rin ito noong Setyembre 11.

Ma. Luisa Macabuhay-Garcia