NANAWAGAN ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na ikonsidera ang pagre-report sa kanilang tanggapan kung may mga kaanak silang binawian ng buhay nitong mga nakalipas na araw.
Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na batid naman niyang masyado nang maraming inagaw at inaagaw pa mula sa atin ang COVID-19 at kaagad na humingi ng paumanhin na sa panahong ito ng pandemya ay inungkat na niya agad ang isyu.
Gayunman, umaapela si Jimenez sa mga mamamayan na ikonsidera na tulungan sila sa pagtiyak na ang alaala ng kanilang mga mahal sa buhay ay hindi mababatikan pagdating ng halalan.
“COVID19 has taken -and is still taking- too much from us, so i apologize for bringing this up. Sadly, politics touches all aspects of our lives, intruding even upon our grief. Please consider helping us make sure that the memory of our loved ones are not sullied come elections,” ani Jimenez, sa kanyang social media account.
Panawagan pa ni Jimenez sa publiko, kung may mga kaanak silang binawian ng buhay kamakailan ay maaaring impormahan nila hinggil dito ang tanggapan ng Comelec office sa kanilang lugar kung saan nakarehistrong botante ang mga ito.
Makatutulong aniya ito upang matiyak na ang pangalan ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay ay maayos na ma-iaalis sa listahan ng mga botante.
“If you have had someone pass recently, please inform the COMELEC office in the city or municipality where they were registered as voters. This will help ensure that their names are properly taken off the lists of voters,” aniya pa. “And that justice will be rendered to all who profiteered from the pandemic.”
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), hanggang nitong Abril 23 ng hapon ay nasa 979,749 katao na ang dinapuan ng COVID-19 sa bansa.
Sa naturang bilang, 102,799 ang nananatiling aktibong kaso, 860,412 ang gumaling na at 16,529 naman ang sinawim-palad na bawian ng buhay.
Sa mga aktibong kaso, 96.4% ang mild cases, 1.3% ang asymptomatic, 0.7% ang kritikal, 0.9% ang severe at 0.58% naman ang moderate cases.
Lumilitaw sa datos ng DOH na mula Abril 1 hanggang 21 lamang ay mayroong average na 70 katao ang namamatay araw-araw dahil sa sakit o kabuuang 1,468 indibidwal.
Sa 1,468 fatalities sa nasabing mga petsa, nabatid na 65% o 954 ang senior citizens at karamihan sa kanila ay kabilang sa age group na 70-74 taong gulang.
Mas mataas anila ito kumpara sa 68 deaths per day na daily average noong Agosto, 2020. ANA ROSARIO HERNANDEZ
626702 146458Excellent day! Do you know if they make any plugins to protect against hackers? Im kinda paranoid about losing everything Ive worked hard on. Any guidelines? 899941
958018 459419This web page is often a walk-through for all of the details it suited you with this and didnt know who to ask. Glimpse here, and you will definitely discover it. 610050
740759 290023This website is normally a walk-through you discover the info it suited you about it and didnt know who require to. Glimpse here, and youll definitely discover it. 665857
438335 588480hey there i stumbled upon your site looking around the internet. I wanted to tell you I enjoy the appear of things around here. Maintain it up will bookmark for confident. 8002
548105 116503I as well conceive so , perfectly indited post! . 872423
385796 807772so a lot amazing data on here, : D. 422465