MGA KABATAAN NANAWAGAN KONTRA CLIMATE CHANGE

KINILLA  ng pamunuan ng Lungsod Quezon at United Nation’s Children’s Fund (UNICEF) ang boses ng mga kabataan at panawagan ng mga ito para sa mas matinding mga hakbang upang masolusyunan ang problema ng mundo sa “climate change” at mga isyu na lubos na nakaaapekto sa kanila, na ipinakita sa isang kaganapan sa siyudad sa pagdiriwang ng World Children’s Day.

Sa pagtitipon na idinaos kung saan panauhin si Vice President at Education Secretary Sara Duterte, iprinisinta ng lokal na pinuno ng UNICEF ang panawagang may temang “Ngayon, Para Bukas! A Call for Collective Climate Action” kung saan nakapaloob ang mga perspektibo ng mga kabataan ng lungsod Quezon bago ang COP28 sa Dubai.

Ang mga perspektibo sa U-Report na resulta umano ng mga diyalogo at mga survey na isinagawa sa mga kabataan sa isang Local Conference of Youth 2023 (LCOY), U-Report.

“Youth are our most active force in nation-building, and we must maximize their skills and talents to secure the success of our climate change initiatives.Despite being the global epicenter of the climate crisis, having the highest levels of youth eco-anxiety, and displacement, children in the Philippines are taking matters into their own hands through their own initiatives,”sabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Ilan sa mga kahilingan ng mga kabataan sa naturang U-Report ay ang suhestyon na isama sa mga community-centered platforms ang kanilang edukasyon at partisipasyon, mental health support networks at ligtas na kapaligiran sa Indigenous Peoples at environmental defenders.

“Children in the Philippines are bearing the brunt of climate change. They need to be given more opportunity to meaningfully participate in the decisions and actions that affect them. The voices, perspectives and ideas of children and young people must be heard at the highest levels and taken seriously. Many children and youth are already doing their part,” sabi ni UNICEF Philippines Representative Oyunsaikhan Dendevnorov.

Kabilang sa mga programa na pinamumunuan ng mga kabataan na nabigyang diin sa naturang kaganapan ay ang pagbanggit sa isang organisasyon na pumuprotekta sa Irrawady dolphins sa Western Visayas; ang inisyatibo upang magkaroon ng pagtuturo ng environmental at agricultural na mga programa sa mga public schools, na nagmula sa network ng mga batang environmentalist journalists at advocacy group na magbibigay boses sa mga komunidad sa nga naninirahan sa paligid ng ilog Pasig.

Ang pamahalaan ng lungsod Quezon ang isa sa nangunguna upang isulong ang mga laban sa climate crisis mula sa pagkakaroon ng sustainable energy, seguridad sa pagkain, active mobility, water conservation air quality management to circular economy.Kinilala umano ang lungsod Quezon dahil sa mga adbokasiya sa mga isyu sa kapaligiran

Samantala, binigyang diin ni Dendevnorov na ang UNICEF sa Pilipinas ay gumagawa ng mga hakbang upang mas makatugon sa mga isyu na kinakaharap ng bansa lalo na sa climate change.

“UNICEF is working to make essential social services more resilient to the effects of climate change, support mitigation and adaptation strategies, and giving children the education and skills needed to play a leading role in the just transition to a more sustainable world.UNICEF is calling on the Philippine government to ensure that government agencies involved in climate, environment, resilience, and those working with children and young people to work together and rationalize plans for climate mitigation and adaptation and ensure that these plans are sufficiently resourced;include youth representatives in the interagency steering committees that make decisions on key climate change efforts and provide them with regular feedback; work with local government agencies to ensure proper coordination, rationalization and consolidation of government agency directives involved in climate change to lessen the burden on the local government unit (LGUs).

Plans of local governments should be fully funded and responsive to the specific and heightened vulnerabilities of children and youth, and that their right to meaningful participation is realized,” wika pa ni Dendevnorov. Ma.Luisa M.Garcia