MISMONG ang Department of Agriculture (DA) ang nanawagan sa mga kabataang Filipino agricultural and biosystems engineers (ABE) na manatili upang pagsilbihan ang Pilipinas at makatulong na tugunan ang pangangailangan ng bansa sa suplay ng pagkain.
Hinamon ng DA ang ABE na kung aalis ay sino ang magmamahal sa bansa.
Kaya hinikayat ang mga ito na tulungan ang Pilipinas
Mahalaga ang papel na gagampanan ng mga batang eksperto sa pagtitiyak ng suplay ng pagkain ng bansa at alam ng pamahalaan na maraming naghihintay na oportunidad sa kanila sa abroad kaya umapela ang isang DA official na sila ay manatili.
Kailangan talaga ng bansa ng mga eksperto sa agrikultura.
Ang magiging sakripisyo ng mga ito kumpara sa napakahalagang ambag sa bansa ay dapat na kilalanin.
Alang alang sa food security.