NAIS kong imbitahan ang lahat sa isang eksibisyong pinamagatang “Saturday Group Affirmation” na magbubukas sa ika-18 ng Hulyo sa ganap na alas-4 ng hapon sa NCCA Gallery. Ito ay gaganapin bilang selebrasyon ng ika-10 anibersaryo ng NCCA Gallery at ika-50 Closing Anniversary Exhibit ng The Saturday Group of Artists. Ang art exhibit na ito ay maaaring puntahan sa buong buwan ng Hulyo mula alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng hapon. Bukas at libre ito para sa publiko.
Sa ika-16 naman ng Hulyo ay gaganapin sa Little Theater Lobby ng Cultural Center of the Philippines (CCP) sa ganap na alas-9 ng umaga ang pagdiriwang ng ika-36 na National Children’s Book Day. Ito ay inihahandog ng Philippine Board on Books for Young People (PBBY), sa pakikipagtulungan ng CCP, National Library of the Philippines, at Museo Pambata. Maaaring tumawag kay Jai sa 352-6765 loc. 118 kung nais mong dumalo. Semi-formal ang kasuotan para sa pagtitipong ito
Ang Kwago, isang book bar sa Warehouse Eight, Makati, ay maglulunsad ng 2 araw na writing workshop tungkol sa Art Writing for Media. Ito ay bukas para sa mga manunulat na nais matutong magsulat tungkol sa mga temang may kinalaman sa visual arts. Ito ay gaganapin sa ika-20 at ika-27 ng Hulyo mula alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon. Ang magpapadaloy ng workshop na ito ay sina Gwen Bautista at Marz Aglipay. Sampu lamang ang tatanggapin sa palihan kaya magpadala agad ng mensahe sa [email protected] kung ikaw ay interesado. Kasama na sa workshop fee ang kape, meryenda, at handouts.
Ang book bar na ito ay mayroon ding programang tinatawag na Open Space Program para sa mga nais maglunsad ng aktibidad o proyekto sa espasyo ng Kwago. Kung ang iyong proyekto ay umaayon sa mission at vision ng Kwago, tutulungan kang maisagawa at mailunsad ang iyong ideya. Magpadala lamang ng email sa [email protected] gamit ang subject na “Open Space Application.”
Comments are closed.