MGA KAIBIGAN NI DACERA TINULUYAN NG NBI

dacera

PORMAL nang isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang mga kasong kriminal laban sa ilang suspek sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Kabilang sa mga kasong ito ay may kaugnayan sa illegal drugs, obstruction of justice, perjury at reckless imprudence resulting in homicide at falsification of official documents by public officer.

Kabilang sa mga pinasasailalim sa preliminary investigation ng DOJ ay sina Pol. Major Michael Nick Sarmiento – Medico Legal Officer ng Southern Police District Laboratory dahil sa kasong falsification of public document.

Kasama rin sina Mark Rosales, John Dela Serna,  Darwin Joseph Macalla, Gregorio De Guzman, Jezreel Rapinan, Alain Chen, Reymay Englis, Atty. Neptali Maruto, Louie De Lima, Rommel Galit.

Inirekomenda rin na panagutin sa kasong obstruction of justice sina Romel Galido, Dela Serna, Rapinan, Chen, Englis at Macalla na umokupa sa iniimbestigahang hotel room kung saan natagpuang patay si Dacera.

Dawit din sa umano’y obstruction of justice ang kanilang legal counsel na si Atty. Neptali Maruto habang si Rosales naman ay pinalilitis dahil sa kaso ng ilegal na droga.

Nabatid  sa imbestigasyon ng NBI na tinangka ni Rosales at Galido na mamigay ng bawal na droga samantalang nakakalap naman ng ebidensya para panagutin sa kasong reckless imprudence resulting in homicide sila Dela Serna, Rapinan, Chen at De Lima. DWIZ882

3 thoughts on “MGA KAIBIGAN NI DACERA TINULUYAN NG NBI”

  1. 893747 914713Pretty part of content. I just stumbled upon your weblog and in accession capital to assert that I get truly loved account your weblog posts. Any way Ill be subscribing on your feeds or even I success you access constantly rapidly. 685473

Comments are closed.