TINUTUKAN noong Friday evening ang first transformation ni Alden Richards as Victor Magtanggol to Hammerman sa kanyang action-drama-fantasy series na “Victor Magtanggol.” Maraming humanga sa magandang special effects na ipinakita ni Direk Dominic Zapata at ng GMA na kilala talaga pagdating sa mga special effects ng mga ginagawa nilang telefantasya tulad noon, sa una pang “Mulawin” at sa unang “Encantadia.”
At simula kahapon, August 13, isa-isa nang lalabas ang mga makakalaban ni Hammerman na katatakutan ng mga tao. Ito na iyong pagpapalabas ni Loki (John Estrada) ng mga ilalaban niya kay Hammerman para makuha niya ang Mjolnir na siyang magbibigay ng lubos na kapangyarihan sa kanya.
Ipakikita na rin kung paano tutulungan ni Gwen (Janine Gutierrez) ang kaibigang si Victor at ang secret character nito. Mapapanood ang “Victor Magtanggol” gabi-gabi pagkatapos ng “24 Oras.”
DINGDONG AT DENNIS MAGKAKAALAMAN NA KUNG SINO ANG MASAMA
SI DIREK Mark Reyes pala ang magdidirek ng bagong teleserye ng GMA Network, ang “Cain at Abel.” Ito pala ang sinabi niya noon na after ng “The Cure,” may naka-schedule na siyang bagong teleseryeng gagawin sa GMA 7, pero ayaw niyang sabihin kung ano, hindi pa raw puwede. Pero last Friday, ginanap na ang story conference ng bagong serye na tatampukan nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Drama King Dennis Trillo.
Based sa photos na lumabas, bukod kina Dingdong at Dennis na twice nang nagkasama before sa “Twin Hearts” at “Endless Love” sa GMA 7, magiging leading ladies nila sina Solenn Heussaff at Sanya Lopez. Naroon din si Chanda Romero, Carlo Gonzales, Ronnie Henares, Boy 2 Quizon at tiyak marami pang bubuo sa cast dahil isang malaking proyekto muli ito ng GMA7, na magtatampok sa dalawa sa big stars nila sa network.
Sino kaya kina Dingdong at Dennis ang gaganap na Cain, na Abel? Base sa name kasi nila sa Bible, si Cain ang masamang kapatid at si Abel ang mabait.
Pero sabi, ang “Cain at Abel” ay title lamang ng serye pero iba ang character names nila sa story. Hindi pa rin malinaw kung action o drama serye ito. Wait na lamang natin kung kailan sila magsisimula ng taping at kung sino-sino pa ang bubuo sa cast.
ANG BABAENG ALLERGIC SA WIFI NAKAIIYAK
NGAYONG Monday na magaganap ang premiere night ng “Ang Babaeng Allergic sa Wifi” na magtatampok kina Sue Ramirez at Jameson Blake, sa direksiyon ni Jun Lana, na siya ring nag-produce ng movie para sa kanilang The Idea First Company ni Direk Perci Intalan. Ayon sa ibang nakapanood na ng movie sa special screening nito, nakaiiyak din daw ang story, pero lalabas kayong nakangiti rin dahil maganda ang pagkagawa ng story at naiiba ito sa mga hugot movies na madalas na napapanood ngayon.
May isa ngang lugar sa trailer na naitanong namin kay Direk Perci kung saan sila nag-shoot dahil ang ganda-ganda ng lugar at iisipin mo talagang walang telecommunication lines. Sa isang barangay daw ito sa Nasugbu, Batangas na nang makita nila, tumama sa gustong effect ni Direk Jun. Kaya titingnan namin ito kapag ipinalabas na ito simula ngayon, August 15, dahil kalahok sila sa Pista ng Pelikulang Pilipino in cinemas nationwide.
Comments are closed.