MGA KALAHOK SA QCINEMA FILMFEST INANUNSIYO NA 

QCINEMA

INIHAYAG na  ng Festival Director na si Ed Lejano ang mga kalahok sa 2020 The pointQCinema International Film Festival (QCinema) na pagkakalooban ng  production grant sa kategoryang new feature film.

Ang filmmakers na sina Christian Linaban, Joseph Abello, at Bebe Go ay makatatanggap ng 1.5 million production grant mula sa pamahalaang lungsod ng Quezon sa pamamagitan ng Quezon City City Film Development Foundation (QCFDC) para i-develop ang kanilang mga proyekto.

Ang mga napiling pelikula ay magkakaroon ng world premiere sa QCinema.

Ang pelikulang “Mga Buwak Para in Maya” ni Christian Linaban ay tungkol sa isang child cyberporn model na dinukot ng isang halimaw mula sa ilog.  Ito ang ikatlong feature film niya pagkatapos ng “Aberya” noong  2012 at ang  Pinoy stoner film na “Superpsychocebu” na ginawa noong  2016.

Ang  obra namang “If You’re on Fire” ni  Joseph Abello ay tatalakay sa kuwento ng isang dating guro na nagtatrabaho bilang ice factor owner na inempleyo ang isang dating estudyante na sumira ng kanyang karera sa pagtuturo.  Ito ang ikatlong feature film ni Abello sa pagdidirek. Ang una niya ang “What Home Feels Like” (2017) na naging kalahok sa Tofarm Filmfest at “Double Twisting Double Back” (2018) na naging entry naman sa Cinema One Originals.

Ang “Gabby Silang” ni Bebe Go ay papaksa naman sa dalawang magkaibigang babae na naghahangad na magkaroon ng puwang sa mundo ng mga upper class at national elite.

Ito ang ikatlong pelikula niya pagkatapos ng  “Alam Mo Ba ‘Yung Ganun?” (2009) at dokumentaryong “Bastes, May Anne M.” (2013).

Ang QCinema International Film Festival, ang pinakamalaking international filmfest sa Asya,ay gaganapin mula Oktubre 16-25, 2020.

Comments are closed.