MGA KALSADA ISASARA SA BAR EXAMS

MAGPAPATUPAD  ang Manila Police District (MPD) ng pagsasara ng mga kalsada sa bisinidad ng tatlong unibersidad sa lungsod para sa Bar Examinations sa Pebrero 4 at 6.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), hindi papayagang dumaan ang mga motorista sa ilang kalsada simula 12:00 ng madaling-araw.

Inabisuhan ang mga motorista na dumaan sa ibang alternatibong ruta:
A. University of Santo Tomas (UST)
– Westbound lane ng España Blvd. mula Lacson Ave. hanggang P. Noval
RE-ROUTING:
– Lahat ng sasakyan na balak dumaan sa westbound lane ng España ay maaring kumanan sa A.H Lacson, kaliwa sa Dapitan o kaliwa sa A. Mendoza patungo sa destinasyon
– Lahat naman ng sasakyan mula sa southbound ng A.H Lacson Ave. ay maaring dumeretso sa Nagtahan patungo sa destinasyon
B. Far Eastern University (FEU)
– Westbound lane ng N. Reyes St. mula España Blvd. hanggang CM Recto Ave.
RE-ROUTING:
– Lahat ng sasakyan mula sa España Blvd. na plano sanang dumaan sa westbound lane ng N. Reyes ay dapat kumanan sa P. Campa St., kaliwa sa A. Mendoza papunta sa CM Recto patungo sa destinasyon.
C. De La Salle University (DLSU)
– Southbound lane ng Taft Ave. mula Quirino Ave. hanggang Estrada St.
RE-ROUTING:
– Lahat ng sasakyan sa southbound lane ng Taft Ave. na patungo sa Makati/Pasay area ay maaring kumanan sa Quirino Ave., at kaliwa sa Adriatico patungo sa P. Ocampo
– Ang mga sasakyan na patungo sa eastbound ng Quirino Ave. na balak dumaan sa southbound lane ng Taft Ave. patungo sa Makati/Pasay area ay maaring kumanan sa L. Guinto St., kanan sa Estrada St., at kaliwa sa Taft Ave.

Ipatutupad din ang ‘stop and go’ traffic scheme sa España Blvd., N. Reyes St., at Taft Ave. sa kasagsagan ng drop-off ng Bar examinees.

Ipagbabawal ang pagparada sa bisinidad ng mga venue bago at sa kasagsagan ng eksaminasyon.
Ayon pa sa MMDA, magbabase sa aktuwal na lagay ng trapiko ang aktuwal na oras ng pagsasara at pagbubukas ng mga apektadong kalsada.