IPINAG-UTOS ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa kanyang mga tauhan sa Cordillera Administrative Region (CAR) na buksan ang lahat ng mga apektadong daan bunga ng lindol upang mapadali ang relief operation sa mga naapektuhang lugar sa Northern Luzon.
Ayon kay Secretary Bonoan, 21 sa mga apektadong kalsada ang pinabubuksan kasama rito ang Gov. Bado Dangwa National Road sa Benguet, Banaue-Hungduan-Benguet Boundary Road sa Ifugao, at Cervantes-Aluling-Bontoc Road sa Ilocos Sur.
Kasabay rin sa pinabuksan ang Lubuagan-Batong Buhay Road K0462+010, K0463+000, K0463+400, K0463+700, K0464+000 sections sa Puapo, Dangtalan, Pasil, Kalinga at K0464+600, K0464+700, K0464+800 sections sa Colong, Lower Uma, Lubuagan, Kalinga.
Sa Baguio – Bontoc Road, Mt. Data Cliff, Bauko, Mt. Province,Tagudin – Cervantes Road, K0341+900, K0353+100, K0353+500, K0354+000, K0354+900, and K0354+950 sa Ilocos Sur (dahil sa landslide at rockslide); at Jct. Santiago-Banayoyo-Lidlidda-San Emilio-Quirino Road K0393+000 Brgy. Cayos, Quirino, at ang K0393+000, Ilocos Sur.
Samantalang ang Itogon Bridge sa kahabaan ng Tagudin – Cervantes Road K0267+519 section sa Benguet ay nananatiling limitado lamang sa light vehicles. Froilan Morallos