ISINAILALIM sa isang linggong granular lockdown ang mga lugar na pumapaloob sa 5th Street, Magsaysay Street, 6th Street at C3-Road sa Barangay 123 at ang mga kalye ng Panay, Guinugitan, Masbate, at Victoria sa H. Dela Costa Homes, Barangay 179.
Nagsimula ang lockdown sa nasabing mga lugar ng Setyembre 3 hanggang Setyembre 9 ng hatinggabi.
Base sa kautusan ng pamahalaang lokal ng Caloocan,ipatutupad ang pitong araw na lockdown sa mga apektadong bahagi ng Barangay 123 matapos makapagtala ang City Health Department sa nasabing barangay ng anim na aktibong kaso ng COVID-19 at hindi bababa sa 119 close contacts na kabilang sa nasa 27 mga pamilya.
Samantala, ipatutupad naman ang lockdown sa mga kalye ng Panay, Guinugitan, Masbate at Victoria sa H. Dela Costa Homes sa Barangay 179 matapos makapagtala sa mga lugar na ito ng 16 aktibong mga kaso ng sakit at hindi bababa sa 103 close contacts.
Batay sa kautusan, sa buong panahon ng lockdown, mahigpit na pagbabawalan ang mga residente na lumabas ng kanilang mga tahanan at tanging medical frontliners, essential government employees, mga pulis, mga opisyales ng barangay at mga indibidwal na nangangailangan ng atensyong medikal lamang ang papayagang lumabas ng kanilang tahanan.
Layunin ng isasagawang lockdown na magsagawa ng mass swab testing at contact tracing sa mga residente, kasabay ng malakawang misting at disinfecting operations sa lugar.
Gayundin,tiniyak ang mamamahagi ng food packs sa mga apektadong residente. VICK TANES
407513 734127This blog really is excellent. How was it created ? 645203
154879 740026extremely nice post, i actually really like this internet site, carry on it 79679
482997 340650Wonderful post will likely be posting this on my blog today maintain up the excellent function. 999601
378664 279579You ought to get involved in a contest first with the greatest blogs over the internet. Ill recommend this page! 689844