MISTULANG kabute na nagsulputan ang stalls na nagbebenta ng mga prutas, “bilog-bilog sa new year” kaugnay ng pagsalubong sa Bagong Taon.
Madaling araw pa lamang ng Disyembre 30 ay abalang-abala na ang maraming mga negosyante na mag-install ng kanilang puwesto para maka-display ng iba’t ibang uri ng prutas karamihan ay hugis bilog para sa lahat ng mamimili kaugnay nang nakasanayan ng tradisyon na sa pagsalubong ng Bagong Taon, mainam na maraming prutas na hugis bilog sa loob ng pamamahay.
Sa panayam sa isang negosyante at tindera sa kahabaan ng Gen Luna St. sa Naga City, sinabi niya na pinaghandaan talaga nila ang okasyong ito para maraming mapagpiliang prutas ang mga mamimili. “Kung gusto po ninyo na quality at masarap ang mga prutas na inyong pagsasaluhan sa pagsalubong ng 2018, dito na kayo pumunta sa tabi ng kalsada sa harap ng Boning’s Trading at South Star Drug sa Gen. Luna St., Naga City, masayang paanyaya ni Ate Joy.
Samantala, puno rin ng display ng mga prutas ang Naga City People’s Mall para sa murang mga prutas na nakaugalian ng bilhin ng sambayanan sa tuwing sasapit ang kapanahunan ng pagsalubong sa Bagong Taon.Kalat din sa kuwento ng mga fruit vendor na para masuwerte ang pagpasok ng taon, mas okay raw kung 12 klase ng prutas ang maiipon sa hapag pagsapit ng bagong taon.
Comments are closed.