MGA KANDIDATO BINALAAN SA PAGGAMIT NG ARMED GROUP

NAGBABALA ngayon ang Department of the Interior and Local Government (DILG ) sa mga kandidato na tigilan na ang paggamit ng armed groups o private armies para takutin ang mga botante.

Ito ang tahasang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo M. Año ang lahat ng national and local candidates para sa darating na 2022 Elections, lalo na yung mga nasa 120 election hotspots nationwide hinggil sa paggamit ng private armed groups para i-harass ang mga botante at maging ang kanilang mga katunggali .

“Stop using armed goons, stop using intimidation and force to influence the voters and other election candidates. Hindi natin sasantuhin kahit sino pa yan. The Philippine National Police (PNP) is committed to enforce the law completely sa kahit sinong lumabag sa batas, no fear and favor,” babala ni Año matapos ang ginanap na joint press conference kasama ang Commission on Elections (COMELEC).

Ayon kay Año , dapat nang tigilan ng mga kandidato ang paggamit ng karahasan at lakas para maimpluwensiyahan ang magiging resulta ng botohan.

Wala umanong puwang ang armed goons at private armies sa gaganaping 2022 National and Local Elections at mangingibabaw ang PNP para matiyak ang kapayapaan at kaayusan na nalalapit na May 9 elections upang mapangalagaan din ang kasagraduhan ng boto ng mga Pilipino. VERLIN RUIZ