MGA KANDIDATO BINALAAN SA PAGGAMIT SA TRASLACION

Binalaan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato na huwag gamitin ang Traslacion sa Enero 9 bilang venue ng kampanya.

Sinabi ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia na hindi dapat samantalahin ng mga aspirante  ang mga gawaing panrelihiyon tulad ng Pista ng Hesus Nazareno.

“Ito ay dapat kunin bilang isang babala. Walang pumipigil sa amin na i-disqualify ang mga indibidwal na ito,” sabi ni Garcia.

“Isang araw lang ito kumpara sa 90 araw para sa mga pambansang kandidato at 45 araw para sa mga lokal na kandidato para mangampanya. Ibigay natin ang araw na ito sa mga deboto at huwag samantalahin,”  dagdag niya.

Samantala, hinimok ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga deboto na mahigpit na sundin ang mga alituntunin at regulasyon na itinakda ng Simbahan at mga awtoridad sa pagpapatupad ng batas upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na insidente at matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mga kalahok sa taunang Traslacion.

Sa isang pahayag, nanawagan din siya sa mga sasama sa prusisyon na huwag magdala ng mga bata at taong may kapansanan para protektahan sila sa anumang panganib.

Pinayuhan din ng lady mayor ang mga dadalo na huwag magsuot ng alahas o magdala ng mga ipinagbabawal na bagay.

Inatasan ang lahat ng kinauukulang local government units na gawin ang kanilang regular na bahagi sa trabaho, na idiniin na iniulat ni City Engineer Moises Alcantara na dumaan sa itinalagang ruta ng prusisyon upang matiyak na walang nakasabit na mga kable ng koryente pati na rin ang mga lubak at bukas na mga butas ng mga deboto na inaasahang sasali nang nakayapak.

R FUENTES