GOOD day mga kapasada!
Heto na naman tayo sa paksang paulit-ulit nating tinatalakay sa paniniwalang kahit papaano, ang ating mga kamalian sa pagmamaneho ay mababawasan ng malaking bahagdan.
Ang iba marahil sa inyo ay irregular tone sa pandinig ang paksang ating tatalakayin at ika in music, “ir-regular tone means noise” tulad ng cardinal rule in driving …DEFENSIVE DRIVING.
Ang kahulugan ng defensive driving ay PERFECT DRIVING MEANS – traveling accident free and without committing any error from departure area to destination. Source – L. Belen (RIP) Defensive Driving.
Binibigyang-diin sa defensive driving na upang maging isang mahusay na drayber, kailangang mai-wasan ang mga sumusunod:
a. Paglabag sa batas trapiko (traffic violations) – ang paglabag sa batas trapiko, maging resulta man ito ng injury o anumang kapinsalaan, ay itinuturing na isang serious error.
Iwasan na itanim sa isipan na kumo naayos mo ang violation mong nagawa sa traffic enforcer ay ligtas ka na from injury bilang end result of the accident.
Ayon sa LTO, ang pagwawalang-bahala (disregarding traffic signs) ay isang panganib sa pagmamaneho. Hindi ito inilagay upang limitahan ang driving skills kundi upang mapalawak pa ang efficiency at mapan-galagaan ang motorista, higit ang mga pedestrian.
Kung gayon, binigyan-diin ng LTO na ang responsible motorist na magsagawa ng lahat ng necessary ini-tiative na malaman at matutuhan ang lahat ng umiiral na traffic code signs at ang mga regulasyon, lalo na yaong mga ipinatutupad sa pook na tinatahak ng isang drayber.
b. Pag-aabuso sa sasakyan (vehicle abuse) – ang ‘di wastong paggamit ng mechanical components ng sasakyan ay potensiyal sa pagkakaroon ng aksidente.
Ang malimit na patapak sa clutch, pagkabigong palitan ang langis sa wastong panahon at ang pagtset-sek sa wastong hanging (tire pressure), maling paggamit ng kambiyo, improper idling at iba pang bagay ay nagbibigay ng maikling panahon sa mahusay na engine performance.
c. Pagkaantala sa takdang lakas ( schedule delays) – Hindi katuwiran ng isang drayber na kailangan ni-yang patakbuhin nang matulin ang kanyang sasakyan dahil huli na siya sa takdang schedule sa kanyang appointment.
Sa aral ng defensive driving, adjust your driving to all conditions, traffic, kind of road, lagay ng panahon. Upang ‘di mahuli sa schedule, prepare early.
d. Poor public public relation (mahina ang PR)– start on time.
Once you are out with your vehicle, maituturing ka nang isang public relation practitioner. Depende ito kung papaano mo pinatatakbo ang minamaneho mong sasakyan.
Kung ang minamaneho mo ay isang company vehicle, kung nagsasagawa ka ng mapanganib na pag-lusot (hazardous passes), lumilikha ka ng masamang larawan para sa kompanyang iyong pinaglilingku-ran gayundin sa iyong sarili.
Ang pagkakaroon ng little more practice of courtesy on the road makes one driver an ADVERSE (SALUNGAT) excellent PR practitioner.
ADVERSE DRIVING CONDITIONS
Maraming mga salungat (adverse) driving condition na nagiging dahilan ng hindi ligtas na pag-mamaneho na siyang ugat ng traffic accidents.
Ngunit ayon sa mga traffic expert ng Land transportation Office (LTO), ang alin man sa mga ito ay maaari namang maiwasan kung itutugma ng drayber ang kanilang driving condition sa mga dapat iwa-san tulad ng isang pormula na dapat bigyan ng paglilimi at atensyon gaya ng:
a. alamin ang peligro
b. unawain ang dapat iwasan (defense) at
c. act on time.
Ayon sa LTO, ang iba’t ibang adverse conditions na dapat ma-anticipate o kaagad na malaman ng isang drayber upang maiwasan ang ‘di inaasahang peligro sa pagmamaneho ay:
1. Adverse light condition – kung lubhang maliwanag ang sikat ng araw, walang dapat gawin ang drayber kundi ang pabagalin ang tulin ng pagpapatakbo ng minamanehong sasakyan.
Karaniwan, nasisilaw ang mata ng drayber kung matindi ang sikat ng araw at hindi kaagad ma-recognize kung may peligro sa kasalubong gayundin sa sinusundan.
Ang magagamit na depensa sa ganitong sitwasyon ay magsuot ng angkop na sunglasses – ngunit iwasang gumamit nito sa gabi.
Kung lubha namang madilim ang lansangan sa pagmamaneho sa gabi, slow down from your normal speed nang sa gayon, when you brake to stop your stopping distance ay hindi ninyo mabubundol ang inyong sinusundan.
2. Adverse weather condition – Ang masamang lagay ng panahon ay lubhang nakaapekto sa ability and skill control ng drayber sa minamanehong sasakyan.
Kung umuulan, cut speed, turn headlights on low beam upang magkaroon ng sapat na panahong makapagpreno, at laging isasaisip na may mga tumatawid na pedestrian.
Maging maingat kung biglang bumagsak ang malakas na ulan dahil ang langis na tumagas mula sa mga sasakyan ay maaaring maging sanhi ng madulas na lansangan.
Gayundin, inihayag ng LTO na ang pagmamaneho nang matulin sa mga basang kalsada ay maaaring lu-mikha ng hydroplaning – from tires sliding on a water film na magreresulta sa problema sa steering control.
3. Adverse road and traffic condition – Ang pagtutugma ng driving skills sa kondisyon ng kalsada sa ano mang pagbabago ng panahon, gaya ng biglang pagbuhos ng malakas na ulan ay isang bagay na maituturing na excellent practice para sa isang drayber.
Sa ganitong pag-iingat, maiiwasan ang mga lubak na likha ng malakas na ulan, mga open manhole at iba pang balakid sa maayos na takbo ng sasakyan sa kalsadang natabunan ng malalim na baha.
Dapat laging handa to anticipate this unforeseen natural calamities upang maiwasan ang anumang ‘di inaasahang traffic accident.
Sa mga pangunahing lansangan sa mga lungsod, karaniwang sitwasyon ng traffic ang tinatawag na STOP AND GO na nagdudulot sa pagkakaroon ng confusion sa bahagi ng mga drayber.
Kaya naman, payo ng mga traffic enforcer ng LTO na ibayong pag-iingat sa mga motorist upang mai-wasan ang ‘di naasahang traffic accident.
TIPS NG LTO SA SIMPLE RULES SA CITY STREET DRIVING
1. SA INTERSECTION:
a. magpabagal ng takbo kung gustong lumiko.
b. magmaneho sa tamang lane nang una sa panahon.
c. magsagawa ng senyas in advance bago lumiko
d. iwasang kumain ng malaking linya kung liliko.
e. manatili sa wastong lane matapos makaliko.
2. AT TRAFFIC LIGHT:
a. huminto sa stop line, hindi sa cross walk.
b. kapag nag-green light, hagurin ng tingin ang paligid bago lumarga.
c. huwag makipag-unahan sa ilaw ng trapiko (beating the red light.
d. tandaan na ang pedestrian have right of way.
3. STOPING (PAGHINTO):
a. iwasan ang mag-double park.
b. iwasang pumarada sa harapan ng boca insindyo (fire hydrant), drive ways, public building at mga kauring establisimiyento.
c. iwasang pumarada sa curve side.
d. kung aalis sa parking space, huwag magmadali, gumamit ng directional signals at tingnan ang iniuutos ng trapik.
Ayon sa LTO, ang mga nabanggit ay ipinalalagay na cardinal rule sa defensive driving na hindi dapat mawaglit sa isipan ng bawat drayber na ang hanapbuhay ay gumulong sa lansangan bilang hanapbuhay, maging sa pampamilyang ikabubuhay at pagseserbisyong pantanggapan.
DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGBIYAHE NANG MALAYUAN
Nahaharap na naman tayo sa biyaheng malayuan sa mga ilang araw na darating. Dahilan: selebrasyon ng All Saints at Christmas holidays. Pero ang mahabang bakasyon ay may kakambal na panganib sa paglalakbay kaya ito ay dapat nating isaalang-alang.,
Paalaala ng Land Transportation Office, bago bumiyahe nang malayuan ay tiyakin muna na nasa kon-disyon ang inyong sasakyan. Walang naunang pagsisisi gaya nang ating kasabihan.
Ipa-check ang kondisyon ng inyong sasakyan sa mga qualified mechanic tulad ng:
a. engine oil
b. transmission fluid.
c. antifreeze o coolant
d. baterya
e. belts at hoses
f. gulong
g. steering at suspension.
h. mgas ilaw at ilan pang electrical components.
i. mga dapat dalhin sa paglalakbay tulad ng:
a. extra engine oil
b. ATF at coolant
c. portable na pang-volcanize ng gulong
d. portable compressor.
Matapos bigyan ng certification of engine good condition ng qualified mechanic, now you are safe to go in the long travel on the road, sabi ng LTO.
***TAKE NOTE***
Luck is not always a lady – Some drivers depend on luck to get them through inter-sections. They drive as if there are no other cars in the whole world, eventually they find to their dis-comfort, that they are wrong. – source:Defensive driving – L. Belen (RIP).
KAUNTING KAALAMAN – Sa mga problema sa pagmamaneho hindi lahat ng problema ng drayber ay grabe. Ang ilan dito ay nangangailangan lamang ng ibang klaseng pagmamaniobra. Iwasang pairalin sa sarili ang bahala na habit.
LAGING TATANDAAN: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti.
HAPPY MOTORING!
Comments are closed.