MGA KASO NG BULUTONG AT IBA PANG VIRAL DISEASES TUMAAS

TUNAAS  ang kaso ng chickenpox at iba pang viral diseases sa mga bata.

Ayon kay Philippine Federation of Professional Associations Vice President Dr. Benito Atienza, maliban sa dengue, tumataas din ang mga kaso ng Hand, Foot and Mouth Disease (HFMD) at respiratory infections.

Sinabi pa ni Atienza na madalas pagkamalang chickenpox o bulutong ang HFMD dahil sa rashes, ngunit nilinaw nito na magkaiba ang dalawang sakit na may parehong sintomas.

Pinayuhan naman nito ang mga magulang na huwag nang papasukin sa paaralan ang mga batang may rashes na posibleng sintomas ng chickenpox o HFMD, na kapwa lubhang nakakahawa.

Paalala pa ni Atienza sa mga magulang na agad na dalhin ang kanilang anak sa doktor kung makitaan ng rashes at lalo kung wala pang chickenpox vaccine.