MGA KASO NG LONG COVID-19 KINUMPIRMA

KUMPIRMADO  na ang mga kaso ng “Long COVID” sa Pilipinas o mga indibidwal na nakaranas ng medium to long-term effects ng COVID-19 matapos na makarekober.

Ayon Kay National Task Force against COVID-19 Medical Adviser Dr. Ted Herbosa, nag-umpisa na itong i-identify ng World Health Organization (WHO) sa iba’t-ibang bansa.

Ayon sa WHO, nasa 10% hanggang 20% ng mga tao ang may mid to long term effects matapos na makarekober sa naturang sakit kung saan nakakaranas ang mga ito ng fatigue, hirap sa paghinga at cognitive dysfunction tulad ng pagkalito, pagkalimot at kakulangan sa pokus.

Samantala, sinabi ni Herbosa na pag-aaralan nilang mabuti ang sitwasyon ng Long COVID sa bansa. DWIZ882