MGA KASO VS PAO CHIEF AT FORENSIC HEAD, IBINASURA NG OMBUDSMAN

Persida Rueda-Acosta

IBINASURA ng Office of the Ombudsman ang kaso laban kina Public Attorneys Office (PAO) chief Atty. Persida Rueda Acosta at Forensic Laboratory chief Dr. Erwin Erfe kaugnay ng ibat-ibang paglabag di umano sa kanilang mga tungkulin.

Sa ginanap na press conference,  pinasalamatan ni Acosta si Ombudsman Samuel Martires sa pagdismis ng reklamo sa kanya ng isang Atty. Wilfedo Garrido.

Matatandaang sinampahan sina Acosta at Erfe ng kasong paglabag sa Republic Act 3019, falsification of public documents, malversation of public funds or property at administratibo gaya ng grave misconduct, serious dishonesty, grave abuse of authority at conduct prejudicial to the best interest of public service na pawang binalewala ng Ombudsman.

Naniniwala si Acosta na isang harassment lamang ang ginawa sa kanila ni Erfe na tinawag na malisyoso, walang saysay at walang basehang paratang.

Natuklasan din ni Acosta na palabas lamang ang mga lumulutang na inirereklamo siya ng PAO employees na pakana lamang ng nasabing abogado at mga nasa likod nitong apektado ng Dengvaxia case.

Sinabi naman ni Erfe na naglalayong pigilin ang kanilang ginagawang libreng serbisyong legal at awtopsiya sa publiko at para mahinto ang kanilang Dengvaxia case na matagal na nilang inilalaban kasama ang mga magulang na humihingi ng hustisya. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.