BULACAN-MAAGA pa lamang nagtipo-tipon na sa ilalim ng puno ng Acacia ang mga katutubong Dumagat mula sa ibat-ibang Sitio sa bayan ng Doña Remedios Trinidad sa lalawigan ito.
Nasa 200 katutubo na pinangunahan ni IPMR Boardmember Liberator Sembrano ang nakipagkita ng personal kay vice presidential candidate Inday Sara Duterte.
Ganap na alas-9 kahapon ng umaga nang dumating sa Tila Pelon Eco Park Brgy. Kalawakan ang mga katutubo, maging ang mga kabataan nang makita ang dalawang chopper na sinakyan ni Inday Sara kasama sina Senatorial Aspirant Robin Padilla, Herbert Bautista at Valenzuela Mayor Rex Gatchalian na kinatawan ni Re-read electionist Win Gatchalian.
Masayang nakipag-usap si VP Inday Sara sa chieftains kung saan ipinangako nito sakaling palarin na manalo sa darating na halalan, ang magkaroon ng maayos na pamumuhay at dekalidad na edukasyon.
Kasabay nito, sinagot na rin ng presidential daughter ang gastusin ng mga Dumagat na naaksidente kamakalawa ng gabi bago ang pagdalo sa meet and greet sa kanila ng Uniteam. THONY ARCENAL