SIMULA kahapon ay makatatanggap na ang mga kawani ng pamahalaang lungsod ng San Juan ng kanilang year-end bonus.
Nabatid na ang mga empleyado ng City Hall at San Juan Medical Center na may permanent, casual, at contractual status na nakapagserbisyo ng mahigit apat na buwan bago mag-Oktubre 31 ngayong taon ay makakatanggap ng Year-End Bonus katumbas ng isang buwang sahod.
Gayundin, ang mga empleyado naman na nagretiro na o wala na sa serbisyo bago mag-Oktubre 31 at nakapag-render ng apat na buwang serbisyo sa taong ito ay mabibigyan ng pro-rated na year-end bonus na ibabase sa buwan ng pagtatapos ng kanilang serbisyo. ELMA MORALES