MGA KAWAWANG DUMAGAT

MASAlamin

NASA 3,000 pamilyang Dumagat, mga katutubo sa Casiguran, Aurora, ang nawalan ng kanilang pagtatamnan at lupang tinitirhan matapos na agawin sa kanila ang nasa 11,500 ektaryang lupain na kanilang ancestral domain.

Bukod sa pang-aa­ping ito, nasa P1.8 bil­yon na pondo ng taumbayan ang nalusaw riyan sa inimbentong Aurora Pacific Economic Zone and Free-port Authority (APECO).

Ang APECO ay nakatungtong sa 12,923 ektaryang lupain na ito sa Casiguran, kasama na ang lupain ng mga Dumagat.

Ito ay planong ga­wing freeport sa ilalim ng Republic Act 10083.

Hinihinalang nasa kulang-kulang P1 bilyon na ang naibulsa lamang ng ilang personalidad.

Kaawa-awa naman ang mga indigenous people na Dumagat sa pangyayaring ito dahil imbes na sila ang nakikinabang sa nasabing lupain ay mukhang iilan lamang na ginagatasan ang nasabing proyekto.

Kamakailan ay sinabi na rin natin sa pitak na ito na mismong ang Commission on Audit ay nakakita ng mga butas kung paanong isinasagawa ang planong APECO, “Major lapses in planning, inefficient investment programming and unsupportive personnel actions, thus the timely realization of the promised development and progress to the residents of Casiguran and the Province of Aurora is not certain.”

In short, mukhang naging gatasan lamang ito, o milking cow ng iilang makapangyarihan at maimpluwensyang mga pamilya at mga tao riyan sa Aurora. Sa bandang huli, taumbayan ang talo, at may bagong mga multi-milyonaryo at their expense!

Comments are closed.