WALA akong isyu sa tinatawag na “children inconflict with the law”.
Ito ‘yung mga menor de edad na papanagutin sa kanilang mga pagkakasala sa batas.
“Youth offenders,” sa Ingles, Suki.
Kasi, ang kasalukuyang batas na umiiral, na iginapang na maipasa ni Senador Kiko Pangilinan, ay mula sa kinse anyos lang pataas ang edad na dapat makulong.
Pero isinusulong ngayon ng mga kongresista na gawing nueve anyos lang, Suki.
Kaya kandabuhol-buhol ang dila sa kaaangal ng nagpapatawag na “rights advocates”.
Marami silang “kesyo-kesyo,” Suki.
At lahat ng kanilang pinagsasabi ay tungkol sa mga batang nagkasala.
Hataw ng isang Bikolanang pulitiko na kamukha ni Ginang Leni Robredo:
Paano sila yayakaping muli ng lipunan kung sila’y may tatak na kriminal?
Kumbaga, “exconvict” na totoy.
Ang ratsada naman ng mga senador na atat mabaklas sa Palasyo si Digong:
“Kailangan n’yang mga batang kriminal ang tulong… hindi kulong.”
Heto ang mabigat… ang banat ng may akda ng batas para sa kinse anyos — si Sen. Kiko:
“Ang dapat na papanagutin ng gobyerno ay ang mga kriminal na gumagamit sa mga bata.”
Dagdag pa n’ya: “Ang mga batang hamog na ‘yan ay hindi gagawa ng krimen kung wala silang padrinong sasalo sa kanilang krimen.”
Ahaaay! si Boss Kiko.
Nag-concern sa mga batang hamog.
Pero sa mga biktima ng mga batang kriminal na ngumunguynguy sa paghahanap ng hustisya ay walang narinig ang lahi ni Juan.
oOo
Bakit ganu’n, Suki? Bakit ganu’n na lang ang pagdepensa nina Madame Leni, Senador Kiko at kanilang mga kapanalig sa pagpapababa ng edad ng mga batang kriminal?
Bakit ‘di nila naisip na ibalanse ang pagmalasakit doon naman sa hustisya ng mga biktima niyang sinasabi ni Sen. Kiko na mga batang hamog?
Nasabi ko na, Suki, na walang isyu sa akin ang edad ng “criminal liability”.
Bahala na ang mga henyo sa batas na gawin ang kanilang trabaho… basta ‘wag lang kaligtaan ang hustisya para sa mga biktima ng “youth offenders”.
Comments are closed.