MGA KOLORUM ‘WAG PAGAMITIN NG TRANSPORT TERMINAL – I-ACT

I-ACT

UMAPELA ang  Inter-agency Council for Traffic (IACT) sa mga may-ari at operators ng mga terminal sa Metro Manila na huwag kunsintihin at tigilan ang pagpapa­gamit ng kanilang pasilidad sa mga colorum na  behikulo o walang prangkisa.

Bilang pledge ng gobyerno sa United Nations Sustainable Development upang magkaroon ng road safety, naka-focus ang Task Force Kamao ng IACT sa mahigpit na pagpapatupad ng kampanya kontra sa mga colorum na behikulo na patuloy na namamayagpag.

Ayon kay IACT head at Department of Transportation  (DOTr) Undersecretary Tim Orbos,  nakarating sa kanila ang report na ­ilang lehitimong terminal sa Metro Manila ang pinagagamit ang kanilang pasilidad sa mga colorum na behikulo at  pansamantala munang hindi niya tinukoy ang mga ito.

Sinabi ni  Orbos na base sa LTFRB Memorandum Circular No. 2017-030 o  Omnibus Franchising Guidelines, may kaukulang parusa at multa laban sa mga colorum na behikulo na nag-o-operate sa off-street transport terminal depende sa unit nito.

Ang multa para sa Public Utility Jeep/Filcab  ay P50,000 kada unit; taxi-P120,000.00; UV Express/Vans ay P200,000.00 at Public Utility Buses  ay P1 million.

Sabi ni Orbos “all-out war” na ang kanilang kampanya kontra sa mga colorum na mga behikulo.       MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.