PINAGPAPALIWANAG ni House Committee on Ways and Means Chairman at 2nd Dist. Albay Rep. Joey Salceda ang mga kompanya ng langis sa ginawang pagtataas ng mga ito sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Kasabay nito, binalaan ng Albay province lawmaker ang local oil players na sisingil ng kaukulang buwis ng gobyerno sa aniya’y hindi makatuwirang pagpapalaki ng kanilang kita.
“Oil companies must prove that they are replacing cheaper inventory with higher priced newly negotiated oil. Otherwise the oil price increase of P1.35/liter for gasoline, P.85/litre diesel and P1/liter kerosene is brazen profiteering given that global prices are going back to normal range. We will make sure they pay the proper taxes on those windfall,” tigas na sabi ni Salceda.
Base sa nakuhang datos ng ways and means committee chairman, matapos pumalo sa pinakamataas na $74 per barrel ang crude oil sa world market noong nakaraang Mayo, ngayong buwan ng Setyembre ay nasa $64.43 kada bariles na lamang ito.
Kaya naman naniniwala siya na hindi dapat sumipa nang malaki ang pump price ng iba’t ibang produktong petrolyo sa bansa lalo’t nasa ‘normal range’ lang ang presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Hindi rin naitago ni Salceda ang kanyang pagkadismaya sa ilang opisyal ng Department of Energy (DOE), lalo na sa pagbibigay ng komento hinggil sa insidente ng drone attacks sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA), na nagdudulot lamang ng dagdag na pangamba sa publiko kaugnay sa magiging epekto nito sa suplay at presyo ng petroleum products sa bansa.
“I can’t understand why DOE officials are making pronouncements that add to the climate of panic, the question is why? The admin should not engage in knee jerk reflex reaction and exhaust all measures to keep oil supply steady and prices stable. The rest is a source of amazement to policymakers,” dagdag ni Salceda. ROMER R. BUTUYAN