MGA KONDISYON NG OFW SA SAUDI SISIPATIN

saudi arabia

JEDDAH – NASA Saudi Arabia ang isang team ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs ng Department of Foriegn Affairs (DFA) para tingnan ang kondisyon ng mga Filipino roon.

Ang team ay pinangunahan nina Assistant Secretary Reynaldo Catapang at Director Iric Arribas.

“Importante po sa atin ang makapagbigay ng mas maayos na serbisyo sa mga OFW kaya lahat ng posibleng magandang hakbang para sa kapakanan ng ating kababayan ay aming isinasagawa,” ayon sa Arribas.

Bukod sa pakikipag-usap sa mga OFWs na nasa Bahay Kalinga, nakipagkita rin si Catapang sa Consulate officials para talakayin ang mga pamamaraan para sa mabilis na assistance sa OFWs na nangangailangan ng tulong.

Kasama sa maaaring gawin ay ang pagsasaayos ng database ng OFWs  na mayroong legal cases.

Makikipagpulong din ang team sa mga opisyal mula sa Philippine Overseas Labor Office, Overseas Workers Welfare Administration at Department of Social Welfare and Development sa Saudi Arabia. EUNICE C.

Comments are closed.