PAGKABAHALA sa foreign dominance, mawawalang pagiging makabayan ng mga Pilipino, ang ilan lamang sa mabigat na dahilan ng mga mambabatas kabilang na ang Makabayan Bloc, kung bakit mahigpit nilang tinututulan ang kapapasa pa lang sa third and final reading na Resolution of Both Houses (RBH 7) na naglalayong amyendahan ang 1987 Constitution at restrictive economic provisions nito sa pamamagitan ng isinusulong na Charter Change (Cha-cha) ng kamara.
Ang RBH 7 ay ipinasa ng mababang kapulungan sa third and final reading nitong Miyerkoles, Marso 20, sa huling araw ng session bago ang break para sa Holy Week ng Kongreso. Ito ay matapos ang masusing deliberasyon na pinilit tapusin ng mababang kapulungan sa target nilang timeline sa ikatlo at huling pagbasa na naglalayong amyendahan ang ilang economic provisions ng 1987 Constitution, partikular ang Articles XII, XIV, at XVI.
Nasa 288 ang bumoto ng affirmative, 8 negative, at dalawa ang abstention. Kabilang sa panukalang amyenda ay ang pagdaragdag ng katagang “unless otherwise provided by law” sa probisyon na layong maging “flexible” o alisin ang restrictions sa economic provisions sa porsiyento ng maaaring pagiging may ari ng mga dayuhang mamumuhunan o foreign direct investors (FDIs) partikular na sa industriya sa utilities, education, at advertising. Sa pamamagitan ng RBH 7, mas maraming negosyo at pamumuhunan ang papasok sa bansa na maglilikha ng mas maraming trabaho, magpapasigla sa ekonomiya, at magpapaganda ng buhay ng mas maraming Pilipino, upang hindi na umano maging kulelat ang ekonomiya ng Pilipinas, makailang ulit na iginiit ng mga kongresista na nagsusulong ng Cha cha.
Ang RBH 7 ay ipinanukala ng mga may akda nito na si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Senior Deputy Speaker and Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., Deputy Speaker and Quezon Rep. David Suarez, Majority Leader Manuel Jose Dalipe, Senior Deputy Majority Leader and Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander Marcos, at iba pang House leaders.
“Amending the Constitution is a different ball game all together unlike ordinary statutes.The Constitution can only be amended through People’s Initiative,a Constituent Assembly, or a Constitutional Convention.The process is wrong,ardous, and expensive.In short,the framers of the Constitution made certain that the Charter cannot be changed that easily.The Constitution is purposely made the process of amendments to be so for two reasons,by stability by the context by the rule of law.Constitutional stability is essential in any civilized society..To ensure that any change in the fundamental law is no arbitrary, for a real, valid and exigent cause.”ayon kay District Representative Gabriel Bordado Jr.
Ayon kay Bordado, ang lahat ng dahilan na ibinigay ng mga nagsusulong ng Cha cha ay puwede aniyang magawa ng hindi na kinakailangang amyendahan ang Constitution.
“Sa ating mahabang karanasan sa foreign direct investments, puro matatamis pero napapakong pangako ang dala nito.Mahal pa rin ang bilihin, serbisyo at utiliies gaya ng koryente at tubig. Lubusang lumiit kundi man tuluyang bumagsak ang agricultural and manufacturing sectors. nananatiling mahihirap ang mga magsasaka, mangingisda, habang binabarat pa rin ang sahod ng mga manggagawa.”
Hindi sasagutin ng pagpasok ng mga dayuhan ang matagal nang problema ng nananatiling komersyalisado at kolonyalisadong edukasyon sa ating bansa. Hindi ito sang-ayon sa layunin ng edukasyon na itaguyod ang Makabayan na paghuhubog ng kaisipan at kamalayan ng Kabataan at sambayanang Pilipino. Hindi pa man nasasakatuparan ang hangarin ng saligang batas na siguraduhin at paunlarin ang paghuhubog ng nasyonalismo, vpatriotism sa edukasyon gayunidn ang pampublikong yutilidad,na mahalaga para sa industrialization at tunay na reporma sa lupa.Tatanggalin pa ng RBH 7 ang restriction sa pagpapayaman ng sariling atin.Bukopd pa dito naniniwala tayong wala sa ayos, wala sa tama ang isinasagawang proseso ngayon ng pagbabago ng Konstitusyon na malinaw na hindi naman nakasaad sa aing saligang batas,” ang sabi ni Brosas.
Ma. Luisa Macabuhay-Garcia