NAGPAHAYAG ng pagkadismaya at pag- aalala ang ilang kongresista na baka maging dahilan pa ang mga pagkaantala sa rehabilitasyon ng Marawi para magkaroon ng kaguluhan at muling maghasik ng lagim ang mga terorista.
Matatandaang marami ang nasawi at nawasak ang mga tahanan at mga mahahalagang pasilidad sa mga komunidad ng lalawigan ng Marawi sa Southern Mindanao ng 2017 dahil sa mga pambobomba ng pamahalaan sa pakikipagdigmaan ng pwersa ng militar sa mga grupo ng Islamic Jihadist na teroristang grupo ng ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) na muntik nang mag-okupa sa naturang lugar.
“Marami nang nangyayari sa Marawi ngayon. Medyo concerned kami, lalong lalo na itong latest bombing, tapos ganyan kabagal ‘yung development initiatives. Baka mamaya gagawin pang PR ng mga terorista ‘yung mga ginagawa ng gobyerno dyan,” ang sabi ni Basilan Rep. Mujiv Hataman sa hearing sa House Ad Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation.ng Lunes Disyembre 4, isang araw matapos ang madugong pambobomba ng mga teroristang ISIS umano habang may isinasagawang misa sa gymnasium sa Mindanao State University (MSU) na ikinasawi ng apat katao at ikinasugat ng iba pa.
Sinabi ni Hataman na mahihirapan mag-recruit ng mga taong sasanib sa pwersa ng mga terorista kung maganda ang sitwasyon ng mga pamumuhay rito.
“All of us here are not satisfied with the movement, the progress the rehabilitation is taking place. I am sorry to say, but we are all disappointed. Me, personally, I woke up in a very bad mood, because of what happened in MSU. So after hearing these delays, and wala pang budget sa 2024, magkakaproblema talaga tayo sa rehabilitation,” sabi ni Lanao Del Sur 1st District Representative Zia Alonto Adiong .
Nabahala ang mga kongresista na miyembro ng mga committee nang matuklasan ang pagkaantala ng ilang proyekto sa naturang rehabilitasyon dahil sa pag atras ng ilang kontraktor, o mabagal na proseso ng implementasyon ng pagsasaayos dito
Sa kanyang ulat sa panel ng naturang committee sa Jamara, ipinahayag ni Presidential Assistant for Marawi Rehabilitation Assistant Secretary Felix Castro na marami sa proyekto ng rehabilitasyon ay nagkaroon ng pagkaantala lalo na ang pinapaayos ng Local Water Utilities Administration (LWUA) sa mga proyekto ng patubig dito, 39% porisyento pa lamang ang nakukumpleto nito. Marami pa rin umano kahit sewerage ay hindi pa rin nasisimulan kahit me mga pondo na. Kung kaya marami pa rin sa lugar ang wala pang tubig at kahit koryente.Sa mga gusali naman ng Department of Education halos sampu na ang nagawa subalit lima pa lang ang na i turn over. Maging ang mga shelter ng mga na-displace o nawalan ng tahanan ay hindi pa rin nagawa.
May mga delay o antala rin umano sa pangkalahatang maging sa mga impraestruktura at serbisyo na idinulot din umano sa mga bidding process, at pagpalya sa ibang proseso nito at pag-atras ng mga contractor, bukod sa iba pang problema sa implementasyon.
Ayon kay Castro, ang Philippine Ports Authority naman ay 79 porsiyento pa rin ang pagkakakumpleto at malamang sa Pebrero 2024 pa maaaring makumpleto.
Ang Marawi General Hospital naman bagamat 90 porsiyento na ring kumpleto, hindi pa rin umabot sa timeline na dapat ay natapos na ngayong Disyembre ng 2023, at ganun din ang pagkaantala na hindi pa nakumpleto ang karamihan ng dapat maayos at ma-rehabilitate.
Samantala ang Marawi Shelter naman na nagkakahalaga ng P147,009,06.01 sa Norsalam Village ay 86 porsiyento na kumpleto subalit pinahinto ng may ari ng lupain dahil umano may mga hindi pa nabayaran rito tulad ng ibang proyekto sa Marawi ay hindi rin ito umabot sa timeline ng turn over nito ngayong Disyembre ng 2023.
MA. LUISA GARCIA