MGA KONGRESISTA TUTOL NA IHIWALAY ANG MINDANAO SA PILIPINAS

TUTOL ang mga kongresistang taga- Mindanao sa panukala na ihiwalay ang isla sa Republika ng Pilipinas sa gitna ng usapin sa plano ng Kongresong amyendahan ang 1987 Constitution sa pamamagitan ng people’s initiative.

“That is their opinion, we don’t share the same idea. Ayaw naming humiwalay. Paanong hindi ko nga maintindihan statement nila.The last time we ‘ve checked,according to DBM, ‘yung isang distrito nga P51 billion.Anong ihiwalay? Dahil nakakuha ka na ng P51 billion.Tapos ‘yung ibang distrito napabayaan n’yo na at hindi n’yo naalagaan? Tapos iniisip n’yo sarili n’yo lang.E bakit naman ganun? Right now, we’re good.I don’t see any benefit for this country, for Mindanao, to separate, tapos, pag titingnan mo ng buo. Di Maganda sa ekonomiya na hihiwalay ang Mindanao,” sinabi ni Majority Leader at Zamboanga 2nd District Representative Manuel Jose “Mannix Dalipe sa press conference na isinagawa ng mga lider ng major political party sa House of Representatives.

Ayon naman kay Surigao Del Norte 2nd District Representative Robert Ace Barbers, dapat ay pinag- aaralan ang ganitong panukala dahil maraming proseso tungkol dito.”When you remove Mindanao from the Republic of the Philippines, that would probaby entail a revision of the Constitution…sa tingin ko, the proponent probably have some idea on why they are pushing for this. Personally, I do not want to shoot it down rightaway.Pag aralan di ba?If this will redound to more benefits for the people.Bakit naman hindi.But as it is today, e medyo sa tingin ko malabo pa.At dahil malabo pa yan at hindi yan ang ating priority, aba’y dalat pag-usapan muna natin ang more important matters,” sabi ni Barbers.

Samantala, nagtataka naman si Cagayan de Oro City, 2nd District Representative Rufus Rodriguez,Chairman ng Constitutional Amendments kung bakit biglang nagkaroon ng panukala ang dating pangulo ng Pilipinas Rodrigo Duterte.

Sa isang press conference, sinabi ni Duterte na si Alvarez ang unang nagtulak sa balak na paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas sa pamamagitan ng pangangalap ng pirma, sapagkat mayaman naman anya ang naturang isla.

Ito ay sa gitna ng pagbatikos ng dating presidente sa mainit na usapin sa People’s Initiative na isinusulong ng Kamara para sa pag -amyenda ng 1987 Constitution o Charter Change (Cha-cha), subalit sinuspinde kamakailan ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagtanggap ng mga lagda para sa people’s initiative dahil sa mga depektong nakita sa proseso nito. MA. LUISA GARCIA