SA historical assessment ng iba, dapat lamang na pinatay si Andres Bonifacio dahil nagtaksil siya. Sa iba naman, hindi makatarungang pinatay si Bonifacio.
May mga historians ding nagsasabing si Bonifacio talaga ang totoong Unang Pangulo ng Pilipinas at hindi si Emilio Aguinaldo. May mga nagsasabi pa ngang mas dapat na si Bonifacio ang Pambansang Bayani sa halip na si José Rizal.
Sa pagkatagpo ng mga labi ni Bonifacio, naging kwesyunable ang pagkondena at pagpatay kay Bonifacio at sa kanyang kapatid. Hibdi raw ito makatarungan, lalo pa at ang mga humatol ay puro kakampi ni Aguinaldo, pati na ang abogado ni Bonifacio at ang prosecutor na nagdiin sa kanya. Hindi rin pinayagan si Bonifacio na magharap ng testigo kaya kung tutuusin ay one-sided ang paglilitis at paghahatol.
Ayon kay Teodoro Agoncillo, ang oposisyon ni Bonifacio kay Aguinaldo ay naging banta sa rebolusyon dahil nahati nito ang mga rebelde na magreresulta sa pagkatalo sa mga kalabang Kastila. Kabaligtaran naman ito sa sinabi ni Renato Constantino dahil ayon sa kanya, hindi banta si Bonifacio sa rebolusyon dahil pareho lamang naman silang ang layunin ay talunin ang mga Kastila. Isa pa, aalis na siya sa Cavite kaya paano siya makakasagabal kay Aguinaldo?
Ani Constantino, walang record si Bonifacio na nakipag-compromise sa mga Kastila at sa halip, ang mga Cavite leaders ang nakipag-compromise na nagresulta sa Pact of Biak-na-Bato kung saan pansamantalang nahinto ag rebolusyon at naipatapon sa malayo ang mga lider ng Katipunan na malapit kay Bonifacio.
Pinagtalunan din ang motibo ng Cavite government na palitan si Bonifacio, at kung tam aba ito. Isa lamang ang Magdalo provincial council sa tumulong upang maestablisa ang gobyernong republika. Sa ganoon, sinabi nina Constantino at Alejo Villanueva na ang grupo ni Aguinaldo ay maituturing na counter-revolutionary at guilty sa paglabag sa otoridad ni Bonifacio, katulad din ng iniisip nilang nilabag ni Bonifacio ang otoridad ni Aguinaldo. Kahit si Apolinario Mabini ay nagsasabing may kasalanan siya sa pagsuway sa pinuno ng Katipunan. Hindi rin agad kinilala ng mga rebelde si Aguinaldo. Sa katunayan, kung hindi pinatay si Bonifacio, siya ang mananatiling lider ng Katipunan at baka si Aguinaldo pa ang naparusahan ng kamatayan sa salang pagtataksil. Para kina Constantino at Villanueva, ang Tejeros Convention ay bunga ng samahan ng mga mayayamang kinabibilangan ni Aguinaldo upang maagaw ang kapangyarihan sa mahirap na si Bonifacio.
Maging ang eleksyon ay isang patibong. Ang mga dumalo dito ay kaalyado nina Don Emilio Aguinaldo at Don Mariano Trías. Isa pa, teritoryo ni Aguinaldo ang Cavite.
Noong 1948, ipinaliwanag ni Aguinaldo na hindi dapat kamatayan ang hatol kay Bonifacio ngunit iginiit ito nina General Mariano Noriel at General Pio del Pilar. Ayon sa commanding officer ng execution party na si Lazaro Macapagal, siniguro nilang patay si Bonifacio at ang kanyang kapatid at ibinaon sa mababaw na hukay.
Ayon naman kay Guillermo Masangkay, unang binaril at napatay ang kapatid si Procopio Bonifacio habang si Andres naman ay sinaksak hannggang mamatay. Nakita raw ng isang magsasaka ang mga pangyayari. Hindi umano inilibing ang magkapatid at noong 1918, natagpuan ang kanilang mga buto bati na ang basag na bungo ni Andres.
Ayon naman kay Adrian Cristobal, nanghihina na sina Andres at Procopio dahil sa pagpapahirap at dami ng sugat sa katawan nang litisin at patayin. Hindi na umano nila kakayaning magtangkang tumakas katulad ng sabi ng mga tauhan ni Aguinaldo.
Sinasabi rin ng historian na si Ambeth Ocampo na imposibleng labi nga ng magkapatid na Bonifacio ang kanilang narekober kung totoo ngang nagtangkang tumakas ang mga ito. — LEANNE SPHERE