MGA KULAY NA DAPAT GAMITIN SA BAHAY

MAHALAGA ang paggamit ng tamang kulay sa fundamental principle ng Feng Shui dahil madali itong makapagdala ng enerhiya sa partikular na area sa Bagua na gusto mong ayusin. Ang bawat kulay ay nagdadala ng magkakaibang enerhiya na nakatali sa specific element and location base sa Bagua map.

Depende dito ang paggamit ng kulay. Halimbawa, kung gusto mong ayusin ang pananalapi, base sa Bagua Map, ang wealth direction ay baha­ging southeast ng bahay, at ang element nito ay wood. Ang kulay naman nito ay berde at brown base sa wood. Pwede ring maglagay ng halaman ng parteng ito ng bahay.

Ayon sa Feng Shui, dapat ay diagonal ito sa door at nakalagay sa pinakamalayong lugar. Ito ang tamang posisyon sa isang silid kung saan ka madalas mamalagi, dahil dito dumadalos ang pinakamaraming enerhiya.

Iminumungkahing ila­gay ang main furniture na nagre-represent ng mahalagang aspeto ng inyong buhay. Kung pwede, siguruhing makikita ang pinto kung anuman ang posisyon mo sa nasabing silid – nakatayo, nakahiga, nakaupo o kahit pa nakadapa.

Sa living room naman, siguruhing lagi itong malinis at malayang nakakapaglabas-masok ang hangin. Hindi dapat na may mga nakaharang sa mga daanan. Guma­mit din ng mga bilog na dekoras­yon, mga berdeng halaman para sa sense of relaxation, at mga makukulay na larawan para mas lively.

Sa kusina, ilayo ang refrigerator sa kalan. Dapat din ay malayo ang gripo sa gas stove dahil magkakaroon ng conflict ang tubig at apoy. Huwag ding itatapat ang kusina sa banyo, o gawing bahagi ng kusina ang dingding na bahagi rin ng banyo.

Sa bedroom naman, alisin ang mga bagay na nagbibigay sa’yo ng feeling of pressure or insecurity, tulad ng makakapal na paintings at mabibigat na wardrobes. Kung may salamin sa iyong silid, siguruhing hindi mo makikita ang iyong sarili kapag nasa kama ka, dahil malilito ang iyong kaluluwa. Kung hindi mo ito maaalis, takpan mo na lamang ng kurtina.

Siguruhin ding malayo ang silid sa kusina dahil pwede itong mag-accumulate ng toxic gas kapag nagluluto, na makakaapekto sa pagtulog ng tao.

Malaking tulong ang Feng Shui kung tutuusin upang mas mapaganda at mapaayos ang iyong tahanan at buhay. Kahit ang mga sikat na interior designers ay sumusunod rin sa feng shui. Try mo rin kaya. Wala namang masama kahit hindi ka naniniwala.