MGA LABI NG 300 PINOY SA SAUDI (Target maiuwi sa Hulyo 4)

Silvestre Bello III

TARGET ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maiuwi pabalik ng bansa ang labi ng mahigit 300 mga Filipino na nasawi sa Saudi Arabia bago ang Hulyo 4.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kabilang na rito ang labi ng 145 mga Filipino na nasawi dahil sa corona-virus disease 2019 (CO­VID-19) sa Saudi Arabia.

May schedule na  ang DOLE  na pagpapauwi sa mga nabanggit na  lalo na’t hanggang Hulyo 4 lamang ang ibinigay na palugit ng gobyerno ng Saudi Arabia.

Aniya, may ipina­ngako ng dalawang cargo planes si Transportation Secretary Arthur Tugade na susundo sa mga labi.

Magugunitang inapru­bahan ng Inter-Agency Task Force  (IATF) ang apela ng mga kaanak ng mga Filipinong nasawi dahi sa COVID-19 para mauwi ang labi ng mga ito taliwas sa unang plano ng pamahalaan ilibing na lamang ang mga  ito sa Saudi Arabia. DWIZ882

Comments are closed.