(Mga lalabag agad na aarestuhin) GCQ MAHIGPIT NA IPATUTUPAD

NAGPALABAS ng kautusan si Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez para sa mahigpit na pagpapatupad ng mga guideline ng general community quarantine (GCQ) simula kahapon.

Iniutos nito na arestuhin ang sinumang residente lalabag sa pagpapatupad ng curfew hour sa lungsod simula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

Ang alkalde, pinapayagan na lumabas ng bahay sa lungsod ang mga residente na nasa edad 15 hanggang 65 samantalang ang mga kabataan na wala pang 15-taong gulang pati na rin ang mga may edad na mahigit sa 65-taong gulang ay pinagbabawalan ng lumabas at manatili na lamang sa kanilang mga bahay.

Kabilang rin sa mga residente na pinagbabawalang lumabas ng bahay ay ang mga buntis gayundin ang mga immunodeficient na may commorbidities upang hindi mahawahan pa ang mga ito ng COVID-19 lalo pa sa panahon ngayon na mayroon ng dalawang variants na kumakalat ang United Kingdom (UK) at South African (SA) variants.

Aniya, ang mga pagtitipon tulad ng movie screening, concerts at sporting events ay mahigpit pa ring ipinagbabawal maliban na lamang ang mga pagtitipon sa relihiyon kung saan pinapayagan ang mga ito ng hanggang 50% kapasidad.

Sinabi pa nito, ang mga may negosyo naman na pinapayagan na ring mag-operate ng hanggang 50% kapasidad ay ang mga computer shops/internet cafes, video/interactive game arcades, libraries, archives, museums/cultural centers, driving schools, limitadong tourist attraction, pagpupulong, incentives, conferences, exhibitions maliban ang limitaadong social events na pinapayagan lamang ng hanggang 30% kapasidad.

Ang mga dine services namanl ay pinapayagang mag-operate ng hanggang 50% kapasidad ngunit ang pagbebenta at pagsisilbi ng alak ay kasabay ng pagsasara ng establisimiyento ng hanggang alas-11 lamang ng gabi. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.