INIANUNSIYO ng Malakanyang na parurusahan ng Commission on Election (Comelec) ang mga lalabag sa protocol sa Halalan 2022.
Ayon kay Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, nakadepende sa Comelec ang pagpapatupad ng karampatang parusa sa mga hindi susunod sa campaign rules, guidelines at protocols kasama na rin ang pagsunod sa mga minimum public health standards.
Habang ang Inter-Agency Task Force (IATF) naman ang may responsibilidad sa non-election related activities.
Nagsimula na noong Martes, Pebrero 8 ang campaign period ng mga kandidato para sa national elections.