MGA LIDER NG SIMBAHAN NANALANGIN SA KALIGTASAN SA BAGYO

SIMBAHAN

NAGSAMA-SAMA ang mga lider ng Simbahang Katoliko para ipanalangin ang kaligtasan ng mga mamamayang naninirahan sa mga lugar na inaasahang tatamaan ng super typhoon Ompong.

Ayon kay Rev. Father Ricardo Valencia, Disaster Risk Reduction and Response Ministry head ng Archdiocese of Manila, nananalangin si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na maiiwas sa matinding pinsala ng bagyo ang mga mamamayan.

Nagpahayag din ang Cardinal, na siya ring pangulo ng Caritas Internationalis, ng kahandaan na tumugon at tumulong sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng bagyong Ompong.

Labis ang pag-aalala ng Cardinal kaya’t ngayon pa lamang ay inaalam na niya ang mga paghahanda na ginagawa ng bawat Diyosesis bago pa man maminsala ang bagyo.

Nais kasi aniya ng Cardinal na maging handa at pro-active ang Archdiocese ng Manila.

“The Cardinal is very much concern as of this moment, he’s looking for updates sa mga lugar na tatamaan ng bagyo and he wants us to be ready for immediate and pro-active response,” ani Valencia.

Umaasa si Valencia na magiging maagap ang mga Diyosesis at maging kongkreto ang komunikasyon sa pagitan ng iba’t ibang institusyon ng Simbahan.

Nagpahayag din ng katiyakan si Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Rev. Fr. Anton Pascual ng pagtulong sa mga maaapektuhang Diyosesis.

“Let’s informed all the SAC [Social Action Center] Directors affected by the typhoon that we are ready to help,” mensahe ni Pascual.

Nagpahayag din ng pakikiisa at panalangin ang Archdiocese ng Palo, Leyte na nawa ay hindi maging mapaminsala ang bagyong Ompong na inaasahang mananalasa sa silangan at hilagang bahagi ng Luzon.

Ipinagdarasal ni Palo, Leyte Archbishop John Du na maging ligtas sa kapahamakan ang mamamayan sa kabila ng inaasahang pananalasa ng malakas na bagyo.

Hinihikayat din ng Arsobispo ang bawat isa na mana­langin at hingin ang biyaya ng katatagan sa Diyos at pagtitiwala sa kaniyang pagmamahal.

“Lord God our Father. We pray for the people especially our brothers and sisters in the northern part, who’s going to be affected by the typhoon that is going to come. Drive them away from every destruction. And give them the grace of strength that they can be able to manage well especially when the typhoon comes and may lives be saved. Above all that they will always be trusting to Your mercy and love. We ask this through Christ our Lord, Amen,” panalangin ni Du.

Matatandaang ang Palo, Leyte ang pangunahing nasalanta ng Super Typhoon Yolanda noong 2013 na siya ring nagbigay daan sa pagbisita ng Santo Papa Francisco sa Filipinas noong 2015.

Tiniyak naman ni Du ang pagtulong sa mga posibleng maapektuhan ng bagyo na isang paraan din ng pasasalamat ng kanilang lalawigan sa mga tumulong sa kanila sa panahon ng kalamidad.

Samantala, ipinagdarasal din naman ni Balanga Bishop Ruperto Santos sa Panginoon na ilayo sa kapahamakan at pinsala ang mga naninirahan sa mga lugar na dadaanan ng bagyong Ompong.

“Heavenly Father and Loving God, You are the King of all creation. We adore You O Ruler of all nature! We humbly come to You and ask for Your mercy. Deliver us from the dangers of the approaching super typhoon. We know You can calm a storm at Your word, just like what you did on the Sea of Galilee. We beg that you spare our nation from damage and tragedies. Come to the aid of those who are in the typhoon’s path so they may stay unharmed. May You pour Your most precious Spirit over our country so that we may be led to safety. Stir our hearts to be generous to those who need help in the days to come. Remind us at all times that even if we end up in the middle of a storm, You are the one holding us in the palm of Your hands,” panalangin niya.

Sa panig naman ni Batanes Bishop Danilo Ulep, nagpapasalamat ito sa ginagawang pagkilos ng Simbahan at pag-alala sa kanilang kalagayan.

“Salamat ng marami sa concern. Right now we are closely in touch with the LGU in regard to our preparation, our lay leaders are likewise ready,” aniya pa. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.