MGA LUGAR SA BICOL NAPARALISA SA TIGIL-PASADA

TIGIL-PASADA-2

LUBHANG naapektuhan ang biyahe ng ilang commuters dahil sa dalawang araw na tigil-pasada na ikinasa ng CONDOR-Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON)-Bicol na sinimulan kahapon, Nobyembre 25.

Ayon kay Donsol, jeep operator driver association President Jun Salvacion, nasa 90 porsiyento na paralisado ang biyahe ng mga pampasaherong jeep sa Albay habang halos 100 porsiyento naman sa Sorsogon.

Napag-alamang pinayagan pang bumiyahe kahapon ng umaga  ang ilang mga jeep upang makabili ng pagkain para sa pamilya subalit nakiisa rin ang mga ito sa transport strike kahapon para sa kanilang panawagan na pagsuspinde sa jeepney modernization.

Samantala, dalawang araw na suspendido naman ang klase sa lahat ng antas sa ilang bayan sa Albay dahil sa naturang tigil-pasada.

Sa kasalukuyan, nag-aalok na rin ng lib­reng sakay ang Albay Police Provincial Office para sa mga apektadong pasahero.   BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.