PINAALALAHANAN ng Philippine National Police (PNP) ang publiko hinggil sa posibleng krimen at road accidents ngayong holiday season.
Ito ang inihayag ni PNP Chief Police Lieutenant General Dionardo Carlos sa Laging Handa Press Briefing kahapon.
Aniya, ang mga uuwi sa iba’t ibang probinsiya ay ay dapat magdagdag ingat sa daan o sa biyahe.
Habang tiyakinh ligtas ang ang kanilang iiwang tahanan.
Isa sa tip ni Carlos ba huwag nang mag-post nang real time kung nagbibiyahe para hindi samantalahin ng mga kawatan na wala sa bahay at magnakaw.
“We should not report real-time, or mag-post real-time sa social media kung saan kayo pupunta at maiwanan ang bahay niyo,” ayon kay Carlos.
Dagdag pa ni Carlos na nabibigyan ng tiyansa ang mga Akyat Bahay Gang na magnakaw.
“That only gives opportunity o motive ‘yung mga kababayan natin na pagtangkaang nakawan or even kunin ang buhay mo”” dagdag pa ni Carlos.
Pinayuhan din ng heneral ang mga traveler na huwag magdala ng mamahaling gamit gaya ng alahas at malaking cash kapag nagbibiyahe dahil nakaka-attract ito sa mga kawatan.
Sa mga driver naman, iwasan ang uminom para iwas-disgrasya. EUNICE CELARIO