CAMP CRAME – UPANG maging masaya at puno ng pagmamahalan ang araw na ito, Valentine’s Day, pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko lalo na ang magdi-date ngayon laban sa mga criminal gaya ng mga kawatan.
Sinabi ni PNP Spokesman, Sr. Supt. Bernard Banac, huwag ding matakot kung nagkalat ang mga pulis ngayong araw.
Ito aniya ay upang magbigay ng seguridad sa lahat lalo na’t asahan na daragsain ang iba’t ibang establisimiyento gaya ng mga amusement park, malls, restaurants, simbahan at maging ang mga hotel, motel o inns.
Sinabi ni PNP Chief, Director General Oscar Albayalde, umaatake ang crime gangs kapag alam nilang abala ang publiko at ang kanilang bibikti-mahin.
“Crime gangs and petty criminals will see it as an opportunity to victimize people by means of their modus operandi such as Laslas Bag/Pocket Gang, Pitas Tactics, Salisi Modus, Credit Card Scam (Baraha Gang), Bukas Kotse Modus, and Ipit-Taxi Modus,” babala pa ni Albayalde.
Maging ang PNP Anti-Cybercrime Group ay nagpaalala rin na huwag nang i-post ng mga lover kung nasaan sila upang hindi manamantala naman ang mga ‘Akyat-bahay’ at pagnakawan ang iniwan nilang tahanan. EUNICE C.
Comments are closed.