MGA MAGSASAKA MAGPUPURSIGI SA PAGLULUNSAD NG MASAGANANG ANI 300 

MASAGANANG ANI 300

ASAHAN na mas magiging agresibo ang hanay ng mga magsasaka na palaguin ang produksiyon ng palay sa bansa.

Ito ay matapos ilunsad sa Quezon City nina Henry Lim Bon Liong, chairman at CEO ng St. Agritech Corporation at Joey Concepcion, founder ng Go Negosyo na siya ring presidential adviser for entrepreneur, ang Masaganang Ani 300 at Support Filipino Farmers.

Napag-alamang la­yon ng Masaganang Ani 300 na kilalanin ang mga farmers na makapag-ani ng palay ng 300 kaban o katumbas ng 15 metric tons o higit pa sa isang ektaryang lupain ngayong cropping year gamit ang hybrid rice varieties ng SL Agritech Corporation.

Lahat ng mga magsasaka na makatutugon nito ay makatatanggap ng trophy at cash prizes na ia­award tuwing katapusan ng ikalawang quarter ng taon kung saan mismong si Pangulong Rodrigo Duterte, SLAC Chairman Henry Lim Bon Liong at Go Negosyo founder Joey Concepcion ang maggagawad ng nasabing award sa Palasyo ng Malacañang.

Samantala, ang Support Filipino Farmers ay isang kampanya na umaasang masuportahan ang mga local farmers sa pamamagitan ng pag­himok sa mga consumer na tangkilikin ang local produced goods lalo na ang bigas.   BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.