MGA MAGSASAKA MAY LOAN CONDONATION

INIANUNSIYO ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado M. Estrella III na nakahanda na ang ahensiya upang iproseso ang mga sertipiko ng condonation para sa mga magsasakang may problema sa pagbabayad sa pagkakautang sa mga naipamahagi sa kanilang lupang sakahan sa ilalim ng DAR.

Ang mga sertipiko sa condonation ay sisimulang ipamahagi sa mga mag- a-applay na benepisyaryo ng DAR sa Enero 2024.

Ito ay matapos maipasa kamakailan at maisabatas ang New Agrarian Reform Emancipation Act o Republic Act 11253 na naglalayong magbigay ng condonation sa mga magsasakang benipisyaryo ng DAR na may utang sa mga amortisasyon nito matapos mabigyan ng mga titulo ng lupang sakahan na naipamahagi na sa kanila sa bisa ng R.A.11953.

Sa ngayon ay umaabot na sa1.872 porsiyento ang itinaas sa bilang ng titulo ng lupa na inisyu ng DAR sa ilalim ng Project Split. 200 porsiyento naman ang itinaas sa bilang ng mga titulo ng lupa sa ilalim ng regular na programa sa pamamahagi ng mga lupang pangsakahan sa pangangasiwa ni Estrella III.

Samantala sa isang pahayag ngayong linggo,sinabi ni Estrella 111 na ang agarang pagkakapasa sa Senado ng kanilang hiniling na budget para sa susunod na taon ay magtitiyak ng pagpapatuloy ng kanilang ipinatutupad na programa at magpapabilis ng pamamahagi ng mga lupa sa mga magsasakang benepisyaryo nito.

Nagpasalamat si Estrella sa Senado sa pag-apruba ng panukalang P9.3 billion budget ng ahensiya para sa taong 2024 na siya umanong pinakamabilis na ginawa nito para sa mga deliberasyon ng pondo na itatalaga sa bawat departamento ng pamahalaan.

Ayon kay Estrella,isa sa prayoridad ng ahensiya ay ang parcelization ng mga titulo ng mga lupaing ipinamamahagi nila sa mga magsasaka sa ilalim ng programa na bahagi ng ipinamamahaging Certificate of Land Ownership Awards (CLOAs) na magpapadali sa pag iisyu ng mga indibidwal na titulo ng mga lupang agraryo sa mga benepisyaryo.

“Nahihikayat kami na mas maging mahusay dahil napakalaki ng suporta na ibinigay sa DAR ng mga senador,” ang sabi ni Estrella. Inabot lamang ng 12 minuto ang pagtalakay at pag apruba sa budget ng DAR na ginawa ng mga senador sa kanilang deliberasyon sa Committee on Food, Agriculture and Agrarian Reform. Idinagdag pa ni Estrella na nakahanda na ang pamamahagi ng 20,000 ng titulo ng agraryong palupa bago matapos ang 2023.Target na rin umano ng ahensiya ang pamamahagi ng 200,000 certificates of debt condonation sa unang quarter.ng 2024.

At upang makatiyak ang pagpapatuloy ng agrikultura alang alang sa seguridad ng pagkain ng bansa, naglungsad ang DAR ng scholarship program kamakailan para sa mga bagong henerasyon ng mga magsasaka na makakasali sa makabagong teknolohiya sa agrikuktura at organisadong programa ng departamento.
Ma.Luisa Garcia