MGA MAGSASAKA NG NEG OCC HINIMOK NA KUMUHA NG CROP INSURANCE

MAGSASAKA

HINIMOK ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ang mga magsasaka ng Negros Occidental, na hindi pa  nakaseguro, na pakinabangan ang crop insurance para matulungan sila na makabawi sa pagkalugi sa produksiyon dala ng kalamidad.

Muling nanawagan si Provincial Agriculturist Japhet Masculino matapos na magkaroon ng initial damage dala ng tag-ulan ng halos PHP526,000 sa palayan sa bayan ng southern Neg­ros kamakailan.

Nakita sa OPA report na ang malakas na pag-ulan dala ng bagyong si Henry noong Hulyo 15-17, ay tumaga sa halos  84 ektarya ng palayan sa apat na barangay ng San Enrique, na apektabo ang 54 na magsasaka.

Halos nasira ang sakahan, na nagresulta sa tinatayang pagkawala ng 44 porsiyento o aabot sa 125 metriko tonelada, ayon sa report.

Halos 43 ektarya ay nasa pagbibinhi pa at nakatakda ang ani sa Nobyembre habang ang natitirang 41 ektarya ay nasa pagtubo na ang mga dahon at ang produksiyon ng ani ay nakatakda sa Oktubre at Setyembre ayon sa pagkakasunod.

Sinabi ni Masculino sa mga magsasaka na mag-report agad ng anumang pinsala sa kanilang tanim dala ng kalamidad para makakuha ng mga nakahandang binhi o butil na pananim.

Sinabi niya na ang OPA ay patuloy na tinatantiya at pinatutunayan ang mga posibleng pinsala sa ibang lokalidad.

Noong nagdaang Ene­ro, nagrekord ang OPA ng halos PHP22 milyong halaga ng pinsala sa pananim dala ng malakas na ulan at bagyo dahil sa northeast monsoon at Typhoon Agaton.

Matagal nang nakikipag­-partner ang Negros Occidental sa Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC) mula noong 2011 sa pagsasagawa ng Negros First Universal Crop Insurance Program (NFUCIP).

Noong 2017 lamang, nakapagpaseguro ang PCIC ng 5,487 magsasaka sa probinsiya na may total area ng halos 7,000 ektarya sa pamamagitan ng NFUCIP.

Nasa total  na 3,938 magsasaka, na may bi­nuong laki ng halos 4,178 ektarya ang nakatanggap ng indemnity claims na nagkakahalaga ng PHP17.76 milyon.

Sa ilalim ng modified guidelines, ang enrolment premium bawat  cropping season ay nanatili sa PHP840, pero ang buong halaga ngayon ay sasagutin ng provincial government bilang utang.

Dati-rati, sinagot ng provincial government ay  PHP500 lamang, habang ang natitirang PHP340 ay nagsilbing bakas o kabahagi ng farmer-enrollees.   PNA

Comments are closed.