BINALAAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) kamakailan ang livestock farm owners sa Batangas laban sa pagtatambak ng mga dumi sa mga ilog.
Sinabi ni Atty. Maria Paz G. Luna, DENR Calabarzon Executive Director, na naninindigan sa kanilang mandato na magpapataw sila ng kaso laban sa mga hindi sumusunod na mga magsasaka at magpapataw ng kaukulang multa sa mga susuway kapag nakatanggap na ng resibo ng violation notice.
Sinabi niya na ang business compliance ay hindi lamang para siguruhin ang kanilang discharge permits pero mas importante sa pagtatayo ng kanilang sakahan ng “real, existing and functioning waste water treatment facilities.”
Sinabi ni Luna na ito ay para siguruhin na hindi madudumihan ang kahit anong batis, ilog, o dagat.
Sinabi niya na ang DENR-Calabarzon ay nagsasagawa rin ng technical conferences sa ibang probinsiya sa rehiyon bilang pagtalima sa direktiba ni Secretary Roy A. Cimatu na buhayin, protektahan, at panatilihin ang bodies of water tulad ng dagat sa Boracay at ngayon sa Manila Bay.
Sinabi naman ni Ann Hazel D. Javier, hepe ng DENR Calabarzon Regional Public Affairs Office, na ang DENR ay matagal nang nagtutulak para sa environmental protection at conservation priorities sa gitna ng mga paglabag ng mga establisimiyento at dumpsites na hindi na tumupad sa solid waste management at clean water acts.
“Nagpatawag ng pagpupulong ngayong araw ang DENR Calabarzon para sa mga nabigyan ng notices of violation na livestock farms sa probinsiya ng Batangas,” sabi ni Javier sa isang panayam.
Sinabi pa niya na ang pagtitipon ng livestock farm owners at administrators sa Batangas Convention Center ay naglalayon na matugunan ang walang habas na pagtatapon ng solid wastes sa mga ilog at batis.
Sinabi niya na ang mga may-ari ng livestock farms ay binigyan ng 30 araw para sumunod sa probisyon ng Republic Act 9275 o “Clean Water Act” na nagbibigay ng comprehensive water quality management at ibang layon ng Republic Act 9003 o ang “Ecological Solid Waste Management Act.” PNA
Comments are closed.