MGA MAGSASAKA SA NORTH COT DUSA NA DAHIL SA TAGTUYOT

MAGSASAKA-4

NAGSIMULA nang maramdaman ng mga magsasaka ng M’lang, North Cotabato ang epekto ng tagtuyot na kasalukuyan na ring apektado ang mga lugar na kalapit nito, ayon sa mga opisyal ng probinsiya.

Ito rin ang nababanaag ng dry spell dahil sa pagkawala ng ulan nitong unang buwan ng taon pero dapat na kumpletuhin ang report ng pinsala sa mga pananim at mga hayop.

Sinimulan ng gob­yernong lokal ang pagrarasyon ng tubig sa mga malalayong village noong nagdaang linggo sa paghihirap sa tubig, ayon kay Psalmer Bernalte, pinuno ng Kidapawan City disaster management office.

Mismong si Bernalte ang nanguna sa pagrarasyon ng tubig dahil ang mga ilog, batis at kahit mga gripo ay natutuyo na rin. Nagpasa ang konseho ng bayan sa M’lang, North Cotabato, ng resolusyon na naglalagay sa buong lugar sa state of calamity matapos na ang  28 sa kanilang 37 nayon ay nag-simulang dumanas ng tagtuyot mula pa noong nakaraang buwan.

Sinabi ni M’lang Vice Mayor Piñol ang sakahan na sobrang napin­sala ay yun lamang na umaasa sa ulan, habang ang iba ay kumukuha ng tubig sa mga kanal ng irigasyon.

“Even irrigation canals have dried up,” sabi ni Piñol sa isang panayam, dagdag pa na ang mga magsasaka ay naka­ramdam na ng matinding sama ng panahon mula pa noong Enero. Malulugi ang mga magsasaka kapag nagpatuloy pa ang ganitong sitwasyon.

Sinabi naman ni Roldan Camo, isang magsasaka sa Barangay Upper Inas, ang inaasahan niyang ani ng palay sa Marso ay natuyo na dahil sa so-brang init.

Sinabi ni Piñol na inatasan na niya na ang town disaster officer na si Bernardo Tayong, na magsagawa ng validation para makapagdi­senyo ang go-byernong lokal, gamit ang kanilang calamity fund na agad makapagdisenyo ng ibang diskarte para sa magsasaka.

Sa kanyang report sa konseho ng bayan, sinabi ni Tayong na hanggang February 28, may 3,500 magsasaka na ang apektado ng tagtuyot.

“A total of 4,250 hectares of affected rice and corn fields have no chances of recovery,” aniya.

Dagdag pa nito ma­rami pang sakahan ang natutuyo dahil sa sob­rang init ng panahon.

Inireport niya sa konseho ng bayan na tinatayang P16 milyong halaga ng pananim ang apektado at nasira na.

Ilang sa ginawang immediate interventions na tinulungan ng mga magsasaka ay fuel subsidies at water pumps na nakatakda para sa mga sakahan na puwede pang isalba ang mga pananim.

Sa Kidapawan City, sinabi ni Bernalte na ang rasyon ng inumin, ganundin ang pangluto at panglaba ay patuloy sa Sitio Nazareth, Quarry at Puas Inda ng Barangay Amas; Sitio Andagkit ng Barangay Kalaisan; Sitio Lika sa Barangay Onica at Sitios Balite at Talisay sa Barangay Malinan. PNA

Comments are closed.