The B’laan farmers from Bacong, Tulunan, gather to enlist themselves for free insurance courtesy of the Philippine Crop Insurance Corporation, made possible through a partnership with the DAR and PCA.
Tinatayang umaabot sa 476 magsasakang agrarian reform beneficiaries (ARBs) ng tribu ng B’laan, ang mga Indigenous People (IP) mula sa Bacong, Tulunan, sa lalawigan ng Cotabato ang nagkaroon ng libreng insurance coverage sa ilalim ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) .
Ayon kay Municipal Agrarian Reform Program Officer Luzel Marie Antes, bukod sa crop insurance, nabigyan din ang mga B’laan ng life insurance na may coverage mula Php20,000.00-Php100,000.00 na makapagbibigay sa kanila at kanilang mga pamilya ng pinansyal na seguridad.
Ang libreng coconut farm insurance ay naging posible sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa pagitan ng Department of Agrarian Reform (DAR), Philippine Coconut Authority partnership (PCA), at ng PCIC.
“Ito ang kauna-unahang pagkakataon na maraming IP (Indigenous People) ang nagkaroon benepisyo ng crop insurance. Umaasa ako na ang tulong na ito ay patuloy na maipatupad sa aming barangay upang mahikayat ang mas maraming ARB na magsaka at maprotektahan mula sa benepisyo ng insurance,” ang sabi naman ni Barangay Chairman Victor Acac.
Sabi ni Antes, may 119 ARBs din ang nagpatala sa life insurance sa unang pagkakataon, na saklaw ang accident at dismemberment security scheme.
Sinabi ni Provincial Agrarian Reform Program Officer II Evangeline Bueno na ang libreng insurance ng PCA para sa mga magniniyog ay naayon sa kanilang plano sa ilalim ng Coconut Farmers and Industry Development.
“Ang DAR ay masusing nakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan tulad PCA, at PCIC upang paigtingin ang paghahatid ng interbensyon sa mga suportang serbisyo upang maging produktibo ang mga lupaing sakop ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), at upang maprotektahan o mabawasan man lang ang ang maaring panganib o pagkalugi sa kanilang kabuhayan,” dagdag pa ni Bueno.
Ma. Luisa Macabuhay-Garcia